Binabati ko kayo sa kamatayan ni Hesus...
Habang nagkaroon ako ng pagkakataon na gumala at magmasid sa kalsada, nakita ko ang mga bagong tarpolin na nakasabit sa mga kable ng kuryente at poste. Akala ko congratulatory banner para sa mga bagong graduates, hanggang sa mapansin kong may anyo ng krus at kalbaryo sa background. Para pala sa pag-gunita ng Semana Santa, galing kay magiting na konsehal.
Pag-uwi ko naman narinig ang nagpapalahaw na ingay ng malakas na ispiker galing sa kapilya na naghahanda para sa pabasa. Habang inaayos at nililinis ang kapilya, nakalagay sa isang lokal na istasyon ng radyo, at sunud-sunod ang mga naririnig kong mga pagbati galing sa mga lokal na opisyales dito sa lugar na tinitirhan ko sa kasalukuyan.
Nag-isip ako tuloy. Papano mo babatiin ang isang tao para lamang gunitain ang sakripisyo ng anak ng Diyos upang tayo'y maligtas sa mga kasalanan natin?
Binabati ko kayo sa pagkamatay ni Hesus...
pati daw sa pagkamatay may bati na rin....
meron nga P100 bayad dito para ma-experience ang Panata at Penitensiya ni Tsip Tsao...
patawarin sana nawa sila:)
pag may nanalo, may banner agad sa kalsada...
mga topnotchers, mga honor students, mga board passers...
pati si aljur abrenica hindi pinatawad...
parang akala mo sila ang may kagagawan kung bakit nakamit ng tao ung award niya...
CONDOLENCE to the Arroyo Family!!!
kita ko agad ang banner nya noon...
kanina nanginginig nginig pa ang tula ni Axel Pinpin
sana narinig ng maldita kaso wala akong full copy! hehe.
nasa pampanga ka ng holy week?
makinig ka sa local radio andami nila greetings
andami ngayon magaganda sa pampanga naglabasan... lols
"HAPPY HOUR FROM 10PM to 2AM"
"NO COVER CHARGE"
"CHEAP BEERS, SEXY LADIES"
bwahahaha...
Ha??????
miss ko na ang pabasa.