Paalam... Kaibigan...
Nakakalungkot isipin na wala ka na. Ang pagkakaibigan natin na nagsimula nung pare-parehas tayong nasa graveyard shift. Nagkakilala dahil ayaw magpadalaw ng antok dahil sa maselang oras ng trabaho noong taong 2002. Pagkakaibigang maraming dinaanan, andyan yung pag gimik tuwing byernes noong panahon na barya lang ang limandaang piso na ibabawas sa mga sweldo natin para makapag-inuman, ang palitan ng mga collection ng anime’s, ang pagtuturo ng ibang kaalaman sa pag-aayos ng PC, ang pang-aasar sa chatroom at marami pang iba. Para sa amin, naging makabuluhan ang mga naibigay mong kasiyahan at panahon sa aming lahat.

Gulat ang lahat sa pagpanaw mo. Hindi masukat na kalungkutan ang nadarama kahit alam ng lahat ng pinagdaanan mo nitong mga nakaraang taon dahil sa iyong karamdaman. Pinilit naming ipadama ang pagsuporta upang labanan ang sakit na nararamdaman mo. Hindi man kami araw-araw dumadalaw, narito kaming lahat para samahan ka sa pag-ahon sa matinding pagkakaratay.
Sa isang tunay na Kaibigan na tulad mo, biglaan man ang iyong pamamaalam, mananatili ka pa rin sa puso ng Opismeyts…
The Opis is where the heart is, and you are inside our hearts… forever…
Paalam Kaibigang NiƱo
28 Comments


