2008 - isang taong tula

Category: By DuNi

enero ng may mamatay sa pista ng Nazareno
pebrero ng tanggalin si speaker De Venecia sa kongreso
sabi ni burjer king: "sec, may 200 ka dito"
hello garci tapes at ringtones ipinagbawal na po

marso ng palihim ibinigay ang spratlys sa China
na-acquit ang mga kaso laban kay Imelda
Cory Aquino may sakit na malubha
sa executive priviledge lusot si sec. Neri ng NEDA

abril ng magkaroon "DAW" ng krisis sa bigas
na-convict ang siyam na Magdalo na nag-aklas
ang presidente ng Palau sa bomb threat nakaligtas
mga taguan ng bomba ng JI sa Laguna natuklas

Ms. Earth Philippines nanalo si Karla Paula Henry
sumikat naman si Jenina and her Pamily
walong RCBC employees patay sa bank robbery
GSIS muntik mag take-over sa Manila Electric Company

si Ka Bel nahulog sa bubong ng bahay nung mayo
namatay rin si Mang Pandoy ng maralitang Pilipino
nakidnap si Ces Drilon sa Sulu nung hunyo
kasama ang cameraman at si Prof. Dinampo

dumaan si typhoon Frank malapit sa Mindoro
at pinataob ang MV Princess of the Stars ng Sulpicio
si Daboy pumanaw nung a-syete ng hunyo
si VAT Man Recto in-appoint sa NEDA nung hulyo

sa Tsina ginanap ang makasaysayang Olympics
world record performance nakamit ni Michael Phelps
sports official ng Pilipinas sumali rin sa paligsahan
nagturuan, nagsisihan, kani-kaniyang dahilan

si GMA sa U.S. walang kurap na tumakas
habang ang bansa'y sa bagyo lumilikas
si Pacman pinabagsak si Marquez at si Diaz
impeachment complaint sa kongreso inutas

BJE isinulong ng mga talipandas
MILF ni Salamat nanggulo ng walang habas
isla ng Mindanao natuliro sa pag-aaklas
mga lumad at kabataan nawalan ng magandang bukas

huling SONA na raw sana ni Arroyo
kung hindi matutuloy ang palihim na proseso
cha-cha na pilit sinusulong sa kongreso
mahabaging Diyos ko, sana naman wag po!

2008 daw ay year of the rat
sabi sa hula maghihirap daw ang lahat
nagkatotoo nga dito sa ating bansa
karamihan ng Pilipino, mahirap pa sa daga

sa susunod na taon, ano kaya ang naghihintay
matuto na kaya ang Pilipino na magnilay
labanan ang gobyernong pilit naghuhugas-kamay
sa mga kasalanang Pilipino'y unti-unting pinapatay

4 comments so far.

  1. macario sakay January 21, 2009 at 11:36 AM
    puro na nga pagninilay eh... aksiyon ang kailangan... kung hindi... magigising na lang tayo na sila-sila pa rin ang nasa puwesto...
  2. chey mine January 21, 2009 at 8:10 PM
    dapat matuto na yang mga government officials.. . di naman pwede na puro sila lang ang iniisip noh.. .

    maghirap o lumago man bansa natin sila pa din ang nakikinabang.. .
    haha.. .
  3. DuNi @ January 21, 2009 at 9:00 PM
    dapat ang taumbayan din matuto...
    karamihan kasi sa atin nagwawalang bahala lang...
  4. Suyin Mei Agustin January 22, 2009 at 1:20 AM
    nice kuya duni...

Something to say?