The Rite of Passage

Category: By DuNi


We went to the hospital today, where my boy has just completed the usual “rite of passage”. The procedure, circumcision, done with pride by many young boys, is practically removing some of the foreskin in the penis.  I can see that there was no trace of nervousness in his part, since it was him who said he wanted to be a doctor someday so I guess he knows how to endure some pain.

We were relaxed while me and my son were waiting for the doctor within the Emergency Room in the hospital, even exchanging pleasantries with the pretty nurse attendant on duty…

NURSE: kapatid mo?
ME: hinde…
NURSE: pinsan?
ME: hinde…
NURSE: pamangkin?
ME: hinde… anak ko…
NURSE:  10 years old ka lang nung nagka-anak ka na!?
ME:  hahaha… hindi naman… 21 na ako nun…
NURSE: ilan taon ka na ba?
ME: 32 na…
NURSE:  hindi halata… mukha ka lang 25…

The conversation with the nurse ended as they prepped the room where they would circumcise my dear baby boy who was fast becoming a teen already.  I never told him how painful my experience so he just have to find out for himself how excruciating is to undergo this ritual. 

DOC: Ang laki nyan ah…(referring to the penis) ilan taon na siya?
ME: 10 years old doc…
DOC: laking bulas nya ah… (and then said these words to the male assistant) “...'tang kanaku kapitna ya mu ing size.."

I let out a laugh.  I think what he meant was that during the time he was circumcised his penis was half size of what he has seen in my boy.  I let out that laugh because I was in the same predicament with the doctor.  And I let out a laugh again as I saw three protruding pubic hairs already!  He is slowly becoming a man!  And I will miss all those times we were playing around, watching TV, bonding through PS2 and his Nintendo DS, playing in TimeZone G4 while in Manila, and watching our favorite movies over and over again. 

My boy is now a man… technically.  I felt a mixture of emotions as I came to realize that within the years to come there will be a change in his perception of things.  He might be less interested in the things we’ve done together throughout the years.  He will be venturing into an exploration and discovery of certain things, some of them would be done even without my knowledge.  It’s a sad thing to accept that our children starts to mature, but I have to accept that he is not a boy anymore, because even the squeaky voice is slowly starting to change into a baritone-ish noise.

My boy is now starting to become a man.

I guess I have to delete all my porn collections in my hard drive…


Sa Hirap...

Category: By DuNi


Ang pangalan niya ay Dessa.  Bente anyos.  Nagmakaawa lang siya na tanggapin sa pag-apply nya sa dito sa aming pinapasukang kumpanya.  Mabuti nga mabait ang nasa HRD.  Pumayag naman kahit na tanggapin siyang trainee lang.  Under-qualified siya talaga, at dahil hindi rin naman siya pasado sa qualifications, pumayag na kunin siyang trainee.  Allowance lang ang maibibigay, mababa sa inaasahang sahod, pero sa isip nya pwede na kaysa naman wala.

Masipag si Dessa.  Kahit hindi niya alam, pinipilit niyang matuto.  Maganda ang pangarap niya sa buhay.  Maiahon ang pamilya nya sa hirap.  Ang pamilya niyang iniwanan sa bayan ng San Felipe para makipagsapalaran sa siyudad.  Titiisin ang lahat para lang sa kakarampot na pera.

Nung una, ang akala ko ay nag-u-uwian siya sa kanilang baryo.  Aba, ang layo ng San Felipe kahit na isang byahe lang sa bus.  Aabot rin ng mahigit isang oras ang lalakbayin para makauwi at makita at maasikaso ang mga kaanak.

Malayo rin ang aming lugar kung saan kami nagtatrabaho.  Sa loob ng Economic Zone.  Nakakasabay ko siya lagi pag naghihitay kami ng company service sa labas ng gate ng Eco-Zone.  Nakakasabay ko siya sa byahe papunta sa aming trabaho.  Kahit papano naibsan ang gastusin naming mga empleyado dahil wala naman bayad ang service.  Tahimik din siya sa trabaho, napapansin ko.  Minsan nakikihalubilo, pero kadalasan sa mga gawain ang tuon. 

Isang gabing napaaga ako ng uwi at namamasyal sa labas ng Eco-Zone, napansin ko siya.  Naglalakad papalayo sa gate, marahil papunta sa sakayan ng jeep.  Isang bati lang, sabay paalam at tuluyang pumasok sa mall at ibinaling ang aking atensyon sa pamimili, may kailangan pang bilhin at kukulangin sa oras.  At pagkatapos magbayad sa pinamili ay sumakay na pauwi ng bahay, dahil nakuntento na at nabili na ang sariling pangangailangan.

Habang mabagal na binabaybay ng jeep ang daan pauwi ay nakita ko ulit siya.  Naglalakad.  Teka kanina pa siya naglalakad?

Ngayon ko lang napag isip.  Simula mall hanggang sa purok San Guillermo ang nilakad nya?  Mahigit na anim na kilometro din yun!  Bakit hindi siya sumakay? Kaya pala pilit niyang nilalakad ang kahabaan ng Magsaysay, hindi pala dahil umiikot ang jeep sa gilid ng Eco-Zone at mas maigsi ang paghihintay kung hindi iikot, kundi tuloy-tuloy ang lakad hanggang sa maka-uwi!  Hindi ko naisip na pati pala yung 7.50 na pamasahe ay tinitipid nya!

At ngayon ko rin napag-isip isip kung bakit ang mga meryendang ibinibigay sa kanya sa opisina ay itinatabi pa niya!  Pilit isinisilid ang mumunting siopao na bigay ni Emma sa bag nya kanina nung nasa opisina kami.  Pasalubong?  Naisip pa niyang pasalubungan ang mga kaanak at tiniis ang gutom.  Hawak na niya ang siopao na galing sa mumurahing bag na bitbit habang papasok sa isang maliit na barong-barong.  Teka, barong-barong?  At habang nag-iisip ako sabay sinalubong siya ng mga inaakala kong kamag-anak.  At nabigla ako ng marinig ko ang mga salitang ate, kapatid, anak, at inay...

Hindi ko mapigilan na mapaluha sa nakita ko.  Magkakasama pala sila sa maliit na barung-barong.  Sumunod ang pamilya niya at nagsumiksik sa maliit na lugar sa tabi ng ibang kamag-anak para hindi na siya mahirapan umuwi at mag-asikaso.  Ang nanay at ang kaniyang pito pang kapatid na musmos.  Panganay pala siya, kaya pala matindi ang pangangailangan ng trabaho.  Pero hindi inalintana ang layo ng lalakarin, at palaging titiisin ang hindi kumain, ang matulog sa pira-pirasong karton na nakalatag sa sahig ng maliit na itinuturing nilang tahanan.  Ako ang naluluha habang sila naman ay nagsasaya sa pagdating ng nag-iisang tao na pilit tumutulong upang makaahon sila sa kahirapan…

Naluluha ako… Habang nasusunod ang kung anu-anong luho ng katawan ko pero pagkatapos ng lahat, nababalot pa rin ng lungkot na matagal nawawala.  Mahal ang nabili kong pampaganda sa sarili ko, samantalang si Dessa ay pinipilit inuuwi ang lahat ng perang natatanggap na allowance linggo-linggo.  Pambili ng pagkain, damit, gamot, at ang natitirang pera ay itatabi upang may mahugot kung sakaling may problemang makasalubong sa araw-araw na pakikipagsapalaran sa buhay…

Naluluha ako…  Dahil alam kong mas masaya siya sa akin sa kabila ng lahat…

Saranggola

Category: , , By DuNi


Lahat tayo ay may pangarap.  Lahat tayo ay nangarap ng magandang buhay sa hinaharap.   Halos lahat tayo ay nag asam na maabot ang pinaka rurok ng ating minimithing pangarap.  Kung si pepe ay nagnais ng isang saranggolang mataas lumipad, marahil ang ating mga pangarap ay maihahalintulad sa isang matayog na saranggola, na pilit inaabot ang pinakataas-taasang lugar ng kalangitan.

Sabi nga sa isang kanta… libre lang mangarap. Marahil ito ay isa sa mga dahilan kung bakit ang mga musmos na bata ay walang hangganan ang mag asam ng mga bagay na ninanais nila.   Walang hanggan na paghiling sa mga bagay na iniisip nating magpapasaya sa atin sa pagtuntong sa hinaharap.

Pero hindi sa lahat ng oras ay nangangahulugan na magtatagumpay ka sa inaasam mong paglipad ng mataas.   Hindi sa lahat ng pagkakataon ay makakamit mo ang hinihiling mong pangarap. Kung sakaling man na mayroong taong narating ang tuktok ng tagumpay, marahil ito ay sa matinding pagsusumikap, dedikasyon at patuloy na pagharap at pakikipagsagupa sa lahat ng mga bagay na pumipigil sa kanya.   Maari din na tangayin ng malakas na hangin ang taas ng inaasam mong saranggola hanggang sa dumating ang oras na hindi mo na sya masulyapan at abutin.   Nawawala rin sa isang iglap ang mga pangarap, parang bula, kung ito'y masyadong mahirap abutin dahil sa sobrang taas ng ating pag-aasam.  Pabago-bago rin ang ihip ng hangin, na maaaring magbigay ng posibilidad na mapadpad ang ating mga pangarap at liparin sa ibang lugar upang tuluyan nang mailayo at hindi na natin pa muling makamtan.

Mataas ang lipad ng saranggola.  Yan ang inaasam ng kahit sinong batang nagpapalipad ng saranggola nila.   Yan din marahil ang inaasam ng sinumang taong nangarap ng magandang kinabukasan para sa kanilang sarili.  Isang pangarap na marahil ay maaaring sa unang pagkakataon pa lang ay hindi na lumipad, o kaya'y hindi umabot sa inaasam na taas at biglang bumulusok pababa sa lupa dahilan ng isang pagkakamali, o marahil ay tangayin upang hindi na muling makita pa.   Kung ano man ang kahihinatnan ng ating mga sariling saranggola, nasa pagsisikap natin kung papano natin paliliparin ito ayon sa gusto nating maabot na langit...

Muling Pagkikita

Category: By DuNi


bumabalik ang alaala ng nakaraan
nung panahon na karamihan satin ay mangmang
ang mga araw na halos hindi mapantayan
mga pagtitipon na hatid ay kaligayahan

sa mga karanasang nagpa-alala ng lahat
mula sa pagkabata hanggang magka-edad
di mapigil maluha sa sobrang galak
sa mga pinagsamahang walang ibang katapat


nangingiti lagi pag naaalala ang mga laro
ang mga pagkakataon na inabot ng hapo
ang madilim na ulap na minsang sinuyo
nagdasal ng taimtim para ulan ay lumayo


ang samahan ng lima sa paglipas nadagdagan pa
magpipinsan sa dugo sa laro ay nagkaisa
mga problema sa paligid ay hindi inalintana
basta't magkakasama at parating masaya


ngunit kadalasan ang panahon ay malupit
pinaghiwalay ng tadhana ang magkakasanggang-dikit
ang larong masaya ngayon ay kay pait
sa desisyon ng iba na lumayo nang pilit


umaasa madalas sa sulat at pangungumusta
mga kwento, larawan, at hatid na balita
sa munting pasabi ibinabalik ang ligaya
lungkot ay nawawala, pinapalitan ng tuwa


kung maaari lang sanang ibalik ang nakaraan
sa mga panahong sagana sa laruan
sa masasayang araw kahit na tag-ulan
sa mga oras na nagsalo sa hapag-kainan


umaasa ako na lahat tayo'y magkikita pa
ibabalik ang panahon ng matatamis na alaala
ang pagiging malapit bubuuin muli ng isa't isa
sa gitna ng pagkain, pulutan at serbesa




Patintero

Category: By DuNi


hindi kita pakakawalan
lagi kang babantayan
subukan mo man lumusot
sa guhit na gawa ng imahinasyon
at tumakbo papalayo sa piling ko


haharangan kita
sa abot ng makakaya
pilit kang ikukulong
sa apat na sulok ng mundo
na iniikutan ko


kung magpumilit ka
sisiguraduhin ko
magbabanggaan ang ating mga sulyap
kahit na ikaw ay makiusap
pagmamatigas ang aking ihaharap


ang sarili ko
sayo lang nakalaan
kung nakatingin ka man sa hinaharap
maging balakid man ang aking katauhan
at pilit na binabalewala


kung maka alpas ka man
sa harang na likha ng katha
susunod ako
sa guhit na ginagalawan ko
masiguro lang ang paghabol sayo


at kung sakaling bumalik ka
haharangin ka pa kaya?
kung ang puntirya mo
ang dumaan lang muli sa harap ko
at tuluyan nang lalayo...


paano ba ito?
hindi naman ako pwedeng magpatalo
kaya hindi kita pakakawalan
hindi ko na hahayaan
puso ko'y muling masaktan


Pagkilos

Category: By DuNi

Kabayan, kelan ka pa kikilos?

Binabagyo ka na ng katiwalian ng gobierno. Sandamakmak na kaso ng scam, magmula sa world’s most expensive highway, sa procurement ng military weapons, pati fertilizer pinatulan na rin, at ngaion pati broadband technology pinasok na rin nila. Hanggang kailan ka mananahimik sa kina-uupuan mo?

Tila yata may selective amnesia ka. Hindi mo na ba naaalala ang pandaraya ng 2004? Kukunsintihin mo na lang ba ang sabuatan nila ni Garci? Dahil ba
action star lang ang mahigpit na kalaban nya sa eleksyon? Nagsawalang-kibo ka na lang dahil pakiramdam mo walang alam yung isa mapatakbo ng bansa? Nanahimik ka lang, kasi mas ok ang credentials nia kesa sa acting awards nung isa?

Naalala mo pa kaya ang decada 80? Inilabas mo ang lahat ng emosyon mo nung 1983. Ang sipag mong kinalampag ang bacod ng Malacañan nung 1986. Pinuno mo ang kahabaan ng Mendiola nung 1987. Hinarang mo pa nga ang mga tangke sa EDSA. Kaso… parang nauwi lang sa wala. Yung mga
pinaglalaban mo noon, bakit tinatalikuran mo ngaion? Katiwalian, pandaraya, pangungurakot, at karapatang pantao. Hindi ba yan pa rin naman ang isyu ngaion? Napalitan lang ng starting line-up, pero sila sila pa rin ang magkakasama sa iisang team.

Pinipilit mo lagi na walang mangyayari sa pag-aaklas ngaion. Bakit sa tingin mo ba may magandang nangyari sa pag-aaklas nio noon? Ipinahamak nyo
lang ang susunod na henerasyon. Nakamit nio nga ang pagbabago ng liderato, pero hanggang dun lang ang naitulong nio. Pinalitan nio nga ang mga namamahala, pero ang sistema pinabayaan niniong lumala. Sabi nio naging malaya tayo, pero ang mga demoniong nagpapahirap at lumalapastangan sa bayan natin, malaya rin.

Oo nga nagpapahayag ka ng pagtutol sa mga kabulukang nakikita mo, pero may ginawa ka ba bukod dun? Mas importante pa yata sa yo ang magliwaliw kasama ng iyong mga kaibigan sa
Tiendesitas, Libis, Fort, Makati at Morato. Mas gusto mo pang nananahimik, dahil iniisip mo may mga sariling agenda ang mga nasa likod ng pagkilos. Maghihintay ka na lang ba ulit ng mga tangke sa EDSA bago ka umasta? Ningas-cogon ka lang ba?

Kabayan, karamihan sa atin pahirap na ng pahirap ang buhay, puera na lang siguro kung ang apelyido mo eh Ayala, Lopez,
Madrigal, Abalos, Arroyo, Sy, Tan, atbp. Ang ibang kapitbahay mo nagpapa-alipin sa ibang bansa may makain lang ang familia. Ang iba dun umuuwi wala nang hininga. Bawat isa sa atin ay may utang ng mahigit na singcuenta mil sa IMF at World Bank, kasama dian ang magiging apo ng apo mo. Pasalamat ka at may isang Lozada na minsan nag-sacrificio para sa katotohanan, kung hindi eh kaya mo bang bayaran kung sakaling umabot pa sa ciento mil ang sisingilin sa yo na inutang ng gobierno mo pero ikaw ang sasalo?

Kabayan, tama na ang pagmumuni-muni lang, itigil na ang pananahimik lang, tama na ang sadiang pagwawalang-bahala. Kikilos ka lang ba pag ochenta pesos na ang halaga ng bigas? Pag beinte pesos na ang pamasahe sa jeep? Sinasayang mo ang panahon. Simulan mo na ang pagbabago, simulan na ang pagkilos... simulan mo na ang revolucion!
Para naman magkatotoo ang inaasam cong slogan para sa bayan:

“Esta nación será grande otra vez…”