Muling Pagkikita
bumabalik ang alaala ng nakaraan
nung panahon na karamihan satin ay mangmang
ang mga araw na halos hindi mapantayan
mga pagtitipon na hatid ay kaligayahan
sa mga karanasang nagpa-alala ng lahat
mula sa pagkabata hanggang magka-edad
di mapigil maluha sa sobrang galak
sa mga pinagsamahang walang ibang katapat
nangingiti lagi pag naaalala ang mga laro
ang mga pagkakataon na inabot ng hapo
ang madilim na ulap na minsang sinuyo
nagdasal ng taimtim para ulan ay lumayo
ang samahan ng lima sa paglipas nadagdagan pa
magpipinsan sa dugo sa laro ay nagkaisa
mga problema sa paligid ay hindi inalintana
basta't magkakasama at parating masaya
ngunit kadalasan ang panahon ay malupit
pinaghiwalay ng tadhana ang magkakasanggang-dikit
ang larong masaya ngayon ay kay pait
sa desisyon ng iba na lumayo nang pilit
umaasa madalas sa sulat at pangungumusta
mga kwento, larawan, at hatid na balita
sa munting pasabi ibinabalik ang ligaya
lungkot ay nawawala, pinapalitan ng tuwa
kung maaari lang sanang ibalik ang nakaraan
sa mga panahong sagana sa laruan
sa masasayang araw kahit na tag-ulan
sa mga oras na nagsalo sa hapag-kainan
umaasa ako na lahat tayo'y magkikita pa
ibabalik ang panahon ng matatamis na alaala
ang pagiging malapit bubuuin muli ng isa't isa
sa gitna ng pagkain, pulutan at serbesa

pinahahanga mo ako kasama!
apir!
akala mo hindi lumaking siraulo... hahaha...
tama b ko or tama b ko=D
nakita mo na ba ako? :))
mata pa lng at sa ngiti,alam ko n=D
infairness,yes to the max level yan!
bahay bahayan n!
korni...
magpipinsan sa dugo sa laro ay nagkaisa
mga problema sa paligid ay hindi inalintana
basta't magkakasama at parating masaya......
ayos k tlg tsong....galing!!!....makata ....
kaya lang hindi ako natuloy ngayon eh...
baka friday...
galing!
yun lng...=)))))
baka magalit si Dondon bwahahaha... :))
at bkit nman magagalit si kuya wolvy ha taberu? =P
wag natin isama si Papa dito...
si Baldo nalang pagtsismisan natin =))
sumbong ko kayo sa mga boss nyo
kulitin mo rin si lenlen mag multiply ;))
wag ka munang mag-asawa sakit lang yan ng ulo hahaha joke...
hanap na...