Saranggola

Category: , , By DuNi


Lahat tayo ay may pangarap.  Lahat tayo ay nangarap ng magandang buhay sa hinaharap.   Halos lahat tayo ay nag asam na maabot ang pinaka rurok ng ating minimithing pangarap.  Kung si pepe ay nagnais ng isang saranggolang mataas lumipad, marahil ang ating mga pangarap ay maihahalintulad sa isang matayog na saranggola, na pilit inaabot ang pinakataas-taasang lugar ng kalangitan.

Sabi nga sa isang kanta… libre lang mangarap. Marahil ito ay isa sa mga dahilan kung bakit ang mga musmos na bata ay walang hangganan ang mag asam ng mga bagay na ninanais nila.   Walang hanggan na paghiling sa mga bagay na iniisip nating magpapasaya sa atin sa pagtuntong sa hinaharap.

Pero hindi sa lahat ng oras ay nangangahulugan na magtatagumpay ka sa inaasam mong paglipad ng mataas.   Hindi sa lahat ng pagkakataon ay makakamit mo ang hinihiling mong pangarap. Kung sakaling man na mayroong taong narating ang tuktok ng tagumpay, marahil ito ay sa matinding pagsusumikap, dedikasyon at patuloy na pagharap at pakikipagsagupa sa lahat ng mga bagay na pumipigil sa kanya.   Maari din na tangayin ng malakas na hangin ang taas ng inaasam mong saranggola hanggang sa dumating ang oras na hindi mo na sya masulyapan at abutin.   Nawawala rin sa isang iglap ang mga pangarap, parang bula, kung ito'y masyadong mahirap abutin dahil sa sobrang taas ng ating pag-aasam.  Pabago-bago rin ang ihip ng hangin, na maaaring magbigay ng posibilidad na mapadpad ang ating mga pangarap at liparin sa ibang lugar upang tuluyan nang mailayo at hindi na natin pa muling makamtan.

Mataas ang lipad ng saranggola.  Yan ang inaasam ng kahit sinong batang nagpapalipad ng saranggola nila.   Yan din marahil ang inaasam ng sinumang taong nangarap ng magandang kinabukasan para sa kanilang sarili.  Isang pangarap na marahil ay maaaring sa unang pagkakataon pa lang ay hindi na lumipad, o kaya'y hindi umabot sa inaasam na taas at biglang bumulusok pababa sa lupa dahilan ng isang pagkakamali, o marahil ay tangayin upang hindi na muling makita pa.   Kung ano man ang kahihinatnan ng ating mga sariling saranggola, nasa pagsisikap natin kung papano natin paliliparin ito ayon sa gusto nating maabot na langit...

36 comments so far.

  1. jhoan . May 22, 2008 at 5:14 PM
    nakz duni...

    ganda naman nyan...
  2. DuNi @ May 22, 2008 at 5:25 PM
    yung saranggola?
  3. Bujon ^ May 22, 2008 at 5:31 PM
    Masuwerte ang mga taong kaya nilang kontrolin ang sarili nilang mga saranggola
    malaya nila maihahatid ang sarili sa pangarap na nais nila sapagkat di sila tulad ng higit na nakakarami sa ating bansa, na ang saranggola nila ay nakadepende sa awa ng mga ganid na kapitalista at mga hayok na pulitiko.

    Ikaw na may hawak ng malayang saranggola, di mo ba napapansin na ang sinulid na hawak mo ay may bahid ng dugo? Habang patuloy ang iyong pagtatampisaw sa kalayaang meron ka, marami sa mga kapatid mo ay halos walang kalayaang humihinga para sa kanilang sarili. Pinipilit mong maging malayang lubos at di pansinin ang pighati ng iba, bakit akala mo ba, sa dulo ng lahat ng ito, ikaw ay makakaligtas sa mabangis na lipunang iluluwal nang inyong kamanhidan? Lalamunin ka nito, hanggang wala nang matira sa iyo, wag kang mag alala di mo naman ito mararamdaman dahil tuyo na ang iyong puso, natuyo na nang todo dahil sa mahabang panahon na pagiging manhid.
  4. DuNi @ May 22, 2008 at 5:40 PM
    yan ang mahirap... imbes na dapat tayo ang may hawak ng pisi eh meron pa palang nagmamani-obra ng mga saranggola natin...
  5. Marky Ramone May 22, 2008 at 5:42 PM
    Saranggola Ni Pepe - Andrew E. Music Code


    Andrew E. & Francis Magalona - Saranggola Ni Pepe
  6. Armando Valencia May 22, 2008 at 5:47 PM
    :-)) Matagal kong hinintay na magkasundo tayo dito.
  7. Armando Valencia May 22, 2008 at 5:49 PM
    :-)) You're on the right track, compa (short for companero).
  8. DuNi @ May 22, 2008 at 5:49 PM
    Marky wala ba yung kay Celeste Legaspi?
  9. Armando Valencia May 22, 2008 at 5:50 PM
    :-)) Same comment as above.
  10. Bujon ^ May 22, 2008 at 5:52 PM
    hehehe! pero may justification pa ako dyan! hehehe
  11. DuNi @ May 22, 2008 at 5:53 PM
    kelangan pa ba ng justification hindi ba mas importante ang magkaisa sa layunin
    :-P
  12. Armando Valencia May 22, 2008 at 5:55 PM
    I know, capitalism has a role to develop our country and create wealth. Di naman tayo nakakaiba dito.
  13. Bujon ^ May 22, 2008 at 6:00 PM
    ang dulo naman nito ay pagkakaisa talaga, pero mas makakabuting isalang pa sa mas malalim na talakayan ang isyu upang mas lalong maisaayos ang ilan mga punto.
  14. Bujon ^ May 22, 2008 at 6:01 PM
    tumpak!!
  15. DuNi @ May 22, 2008 at 6:05 PM
    syempre darating sa punto por punto pero mas maganda nga kung sa layunin muna magkaisa tapos kung may kahit kaunting pagkakaiba sa punto eh baka sakaling magkaroon ng kompromiso na mapagkakasunduan para sa iisang hakbangin ;))
  16. Armando Valencia May 22, 2008 at 6:07 PM
    Teka, addendum, capitalism has a role to play to develop our country and create wealth --- at eto importante --- FOR ALL TO SHARE.
  17. DuNi @ May 22, 2008 at 6:13 PM
    tutal nag addendum na si echancho, mag dugtong na rin ako...

    Socialism is better than Capitalism since it refers to the goal of a socio-economic system in which property and the distribution of wealth are subject to control by the COMMUNITY
  18. Armando Valencia May 22, 2008 at 6:16 PM
    Kung Punyal pag-uusapan, at pare-pareho naman tayong Punyal, nagkakaisa na tayo sa layunin, at alam na natin yun. Ngunit, patuloy pa din ang talakayan pagdating sa sosyalismo na sa tingin ko naman ay nakakabuti ang pagtutungali ng isipan dahil ito ay lalong makakapagtalas ng isipan ng bawat isa.
  19. Bujon ^ May 22, 2008 at 6:18 PM
    wow! tunog proletaryo ka na elcancho...galing mo na magtagalog...
  20. Armando Valencia May 22, 2008 at 6:22 PM
    Hehe. Di ko pinagkakaila ang pagiging petty bourgeoisie ko no. Nilalabanan lang ang mga impluwensiya nito sa kaisipan.
  21. Bujon ^ May 22, 2008 at 6:27 PM
    opsss! mahirap yang petty bourgeoisie na issue..baka bigla na naman ako ipatawag sa Mcdo malapit sa office mo. hehehe!
  22. DuNi @ May 22, 2008 at 6:34 PM
    papa burger ba?
    burger!
    burger!
    burger!
  23. Armando Valencia May 22, 2008 at 6:35 PM
    Wag ka magalala, nag-self criticism na ako. Inamin ko na sa sarili na petty-B ako. :-)
  24. Bujon ^ May 22, 2008 at 6:37 PM
    hehehe!! ganun ba!?

    Pa burger ka daw sabi ni plorwaks.. ehhee
  25. Armando Valencia May 22, 2008 at 6:37 PM
    Siyangapala, dapat tau magkita-kita hanga't pupuwede. Tanung natin sina 8pia at sakay baka gusto nilang manlibre.
  26. Bujon ^ May 22, 2008 at 6:38 PM
    burger at softdrinks ah...

    baka naman burger at san mig yan. heheehe
  27. Armando Valencia May 22, 2008 at 6:40 PM
    Malamang burger at softdrinks. Tapos lilipat na lang. :-)
  28. Bujon ^ May 22, 2008 at 6:41 PM
    good! good! duni biyahe na sa manila
  29. Armando Valencia May 22, 2008 at 6:48 PM
    Kung sino ang may birthday sa June 1, manlibre naman.
  30. DuNi @ May 22, 2008 at 6:52 PM
    Hindi pwede June 1... birthday ng anak ko!
  31. Bujon ^ May 22, 2008 at 6:54 PM
    birthday ng anak mo sa June 1 duni? ah ikaw ang sinasabihan ni el chancho na manlibre...go duni!
  32. DuNi @ May 22, 2008 at 6:55 PM
    Araw ng Makati sa June 1...
    at meron isang magbe bertdey dito ng June 1 ayaw pang umamin...
  33. Armando Valencia May 22, 2008 at 6:55 PM
    Mukhang guilty yung nagsasabi ng mga ganyang hirit (re: polatenna). Hehe.
  34. Bujon ^ May 22, 2008 at 6:58 PM
    top secret yan mga bro! baka ma intercept ng ISAFP.. hehehe
  35. Marky Ramone May 22, 2008 at 8:55 PM
    birthday ni Bujon sa June 1...papa burger sya sa opis...tas inom sa Cubao...invited mga multipliers...
  36. DuNi @ May 22, 2008 at 9:28 PM
    ang kyut ng teddy bear ha...

Something to say?