Patintero

Category: By DuNi


hindi kita pakakawalan
lagi kang babantayan
subukan mo man lumusot
sa guhit na gawa ng imahinasyon
at tumakbo papalayo sa piling ko


haharangan kita
sa abot ng makakaya
pilit kang ikukulong
sa apat na sulok ng mundo
na iniikutan ko


kung magpumilit ka
sisiguraduhin ko
magbabanggaan ang ating mga sulyap
kahit na ikaw ay makiusap
pagmamatigas ang aking ihaharap


ang sarili ko
sayo lang nakalaan
kung nakatingin ka man sa hinaharap
maging balakid man ang aking katauhan
at pilit na binabalewala


kung maka alpas ka man
sa harang na likha ng katha
susunod ako
sa guhit na ginagalawan ko
masiguro lang ang paghabol sayo


at kung sakaling bumalik ka
haharangin ka pa kaya?
kung ang puntirya mo
ang dumaan lang muli sa harap ko
at tuluyan nang lalayo...


paano ba ito?
hindi naman ako pwedeng magpatalo
kaya hindi kita pakakawalan
hindi ko na hahayaan
puso ko'y muling masaktan


75 comments so far.

  1. China Doll May 8, 2008 at 10:52 PM
    YEAH! opppsss kaw ang taya
  2. DuNi @ May 8, 2008 at 10:53 PM
    hahaha... :))
  3. Genesis Paredes May 8, 2008 at 10:53 PM
    sali ako!!
  4. DuNi @ May 8, 2008 at 10:54 PM
    sige ilan na lang kulang?
  5. Genesis Paredes May 8, 2008 at 10:56 PM
    hahaha!! madami dapat para masaya!!
  6. Trueasiatik Badong May 8, 2008 at 10:56 PM
    nung bata ako guhit namin sa patintero...tubig
    kasi lupa pa yung kalsada namin noon eh.

    nasa lata yun tapos parang halaman
    na dini diligan yung kalsada.


    ngayon wala ng naglalaro nyan sa min
    puro POGS na yung iba or text na anime
  7. DuNi @ May 8, 2008 at 10:58 PM
    ako sa probins lang nakaranas ng patintero...
    tapos pag inulan tambay kami lahat sa balkonahe...

    tama ka badong...
    sa lupa tapos ung guhit gawa sa tubig na galing sa kanal...
  8. si pia ay otes May 8, 2008 at 10:59 PM
    pasali! gusto ko batutot o patutot ano ba yun hehehe...
    pero out muna ako taympers. hindi muna ako magoonline.

    galing pala duni. makata ka ah!
    dami ko pa kasi gagawin kaya saka na muna multi,
  9. DuNi @ May 8, 2008 at 11:01 PM
    patotot ang alam ko...
    depende yata sa nagsasalita eh...
  10. Trueasiatik Badong May 8, 2008 at 11:01 PM
    Piya, di ba PUTOTOY? :p
  11. Genesis Paredes May 8, 2008 at 11:03 PM
    patoto.. wala yatang T un
  12. DuNi @ May 8, 2008 at 11:06 PM
    alam ko patotot... ung taya sa gitna...
  13. Glam Chic * May 8, 2008 at 11:08 PM
    oo patotot ang alam kong tawag dun kasi lage akong patotot nung bata pa kami.. lage kasi ako huling sumasali kaya sakin pinapasa ang role na ayaw ng lahat! haha
  14. DuNi @ May 8, 2008 at 11:10 PM
    masarap ang patotot diba sila lang ang pwede mang tag ng patalikod...
  15. pai pai May 8, 2008 at 11:13 PM
    i remember my hey days and my kababata and moonlit nights (full moon) and brownouts
    hahayst
  16. Trueasiatik Badong May 8, 2008 at 11:15 PM
    Janis, baka sa inyo tawag Patoto...sa min din kasi Pototoy eh este Patotot.


    gusto kong laro TSATO..tama ba o syato?
  17. DuNi @ May 8, 2008 at 11:16 PM
    is that still patintero?
    'coz i did other things during those full moons and brownouts hahaha...
  18. Glam Chic * May 8, 2008 at 11:17 PM
    kahit na.. mahirap eh! gusto ko ung hindi taya para lusot lang ng lusot haha..
  19. Genesis Paredes May 8, 2008 at 11:19 PM
    syato!! lol


    OO... patoto tawag dun sa Siquijor eh... (para tuloy akong nabubulol)
  20. pai pai May 8, 2008 at 11:21 PM
    now, i wonder! ahhahah,
    hide and seek din pow! ;)
  21. DuNi @ May 8, 2008 at 11:21 PM
    pero pinakamasarap pag taya ka ung patotot... ang laki ng sakop
  22. DuNi @ May 8, 2008 at 11:22 PM
    yes you got it!
    better play hide n seek during brownouts...
    then go home straight and come back the following day :))
  23. si pia ay otes May 8, 2008 at 11:29 PM
    nyahaha...
    yung patotot comment ko pinagkaguluhan...

    true yung putotoy, parang iba yun hehehe =)) pang hideseek ata yun?
  24. pai pai May 8, 2008 at 11:33 PM
    hahahahha, sarap maging bata ulet!
    tinatakot nga kami every time we play hide and seek ;)
    my momo daw , ;) kidnapped with ransom pa! hahahah
  25. DuNi @ May 8, 2008 at 11:36 PM
    samin may aswang naman daw... as if...
    haller! Mandaluyong sa gitna ng nag u umpugang kalsada na may maliwanag na ilaw sa poste...
  26. pai pai May 8, 2008 at 11:38 PM
    hahahha, samin kc nun, newly opened pa subdivison ,
    tas creepy talaga, few people pa;)
  27. DuNi @ May 8, 2008 at 11:45 PM
    sa probins hindi pwedeng mag taguan...
    hindi pa uso kuryente nun... may multo daw talaga...
    hapunan alas sais pagkatapos ng Angelus na latin...
    tapos nun tutulog na... wala nang lalabas ng bahay...
  28. macario sakay May 9, 2008 at 1:55 AM
    Agawang Base ang dapat na laruin ngayon...
  29. louise alviar May 9, 2008 at 3:30 AM
    Ang ganda! =)
  30. ✖ irish ✖ May 9, 2008 at 5:04 AM
    pde bang makisali.. =]
    ndi pa namn ako late eh /=[
  31. Babaeng Macho *-* May 9, 2008 at 9:46 AM
    ano to game of love?=D
  32. * nonec May 9, 2008 at 10:22 AM
    badong,nagllaro din kmi nian nung bata pako.....lagi ako taya....heheheh...ang saya!!! d2 samen PSP na uso badong,sosyal noh!!!lolz
  33. neth neth pineda May 9, 2008 at 10:41 AM
    ako rin pasali gusto ko chinese garter tsaka jolens hahahahahah....

    memorable sakin ung syato, nasapak ko ung kalaro ko nun eh.. epal kasi ;D
  34. Certified Maldita May 9, 2008 at 10:50 AM
    hay nakakamiss ang kabataan natin nun, wala dyan ang mga PSP at mga gameboy. di nila kayang tumbasan yung saya :D
  35. neth neth pineda May 9, 2008 at 10:58 AM
    i agree sis, kasi nun talagang ung bonding ng mga kabataan sobra... eh ngayon ung mga kabataan walang ginawa kundi rumampa at magpacute sa kalsada
  36. DuNi @ May 9, 2008 at 11:16 AM
    kung uso pa ang patintero...
    wala sanang akrho at tau gamma na nagra rambulan sa kalye :((
  37. neth neth pineda May 9, 2008 at 11:18 AM
    ay may tama ka jan kuya duni
  38. DuNi @ May 9, 2008 at 11:20 AM
    aling base, sakay?
    Clark o Subic?
  39. DuNi @ May 9, 2008 at 11:21 AM
    hahaha...
    ikaw bahala sa imahimasyon mo :-P
  40. DuNi @ May 9, 2008 at 11:27 AM
    gusto ko rin manood ng chinese garter noon...
    lalo yung nakakalimutan mag shorts sa ilalim ng palda!
  41. neth neth pineda May 9, 2008 at 11:28 AM
    hahahahahaha... adik ;-p
  42. ✖ irish ✖ May 9, 2008 at 11:30 AM
    sungka nalang laro nten hehehe
  43. DuNi @ May 9, 2008 at 11:49 AM
    ay mahina ako sa dukutan ng shells!
  44. Babaeng Macho *-* May 9, 2008 at 11:59 AM
    ehem!
    excuse po!
    walang kinalaman dyan ang fraternity:P
  45. Babaeng Macho *-* May 9, 2008 at 12:01 PM
    basta ako adik sa "jackstone"
    tara, laro tayo\:D/
  46. DuNi @ May 9, 2008 at 12:01 PM
    meron... kung nagpa patintero sila eh di sana hindi sila nagra rambulan...
  47. DuNi @ May 9, 2008 at 12:03 PM
    jackstone... ang laro sa Dagupan bwahaha...
    laro din namin yan... kaming magpi pinsan na puro lalaki bwahaha...
  48. Babaeng Macho *-* May 9, 2008 at 12:11 PM
    nyhahahaha!!
    sa min pag ang lalaki naglaro ng jackstone,,jokla!

    kasi d b may stage un n ilalagay mo ung kamay mo sa may dibdib mo.para ilagay ung mga ekis ekis...awwwwwww:)):))
  49. princess irishell May 9, 2008 at 12:13 PM
    ang cute siguro nilang tignan ano?
    ano kaya itsura ng mga emo habang naglalaro sila ng patintero..
    hihihi...

    *tabi-tabi po sa mga emo kung meron man..
    hahaha...!
  50. DuNi @ May 9, 2008 at 12:18 PM
    wala kami nyan...
    improvised ang exhibition namen... puro hagis at salo...
    may isa dun yung kukuha ka ng isang stone tapos hagis mo tapos kuha ulit...
    parang juggling... continuous... tapos bato talaga ang gamit para medyo masakit...

    tsaka karamihan samin lalaki... pwede nga kaming bumuo ng isang team sa basketbol eh... puro pangalan lang ilalagay kasi kung apelyido pare-parehas
  51. DuNi @ May 9, 2008 at 12:19 PM
    hahaha sino ba emo ngayon?
  52. Babaeng Macho *-* May 9, 2008 at 12:27 PM
    yea may stage ngang ganun,oh d ba panalo ang jackstone kesa sa gameboy,reality ang laro! ramdam mo sakit!

    ARENASSSSSSSSSSSSSS!!! 3 points! hahahaha=))
    miss ko tuloy basketbol sa tin.
    tara, basketbol tayo=D
  53. Babaeng Macho *-* May 9, 2008 at 12:27 PM
    may mga emo p b?
    ops tabi tabi po s mga nuno=D
  54. DuNi @ May 9, 2008 at 12:30 PM
    may pinsan ako dun... Gilbert din ang pangalan...
    pero hindi sya yung nasa Washington Wizards ha....
    sya yung nagda drive ng tricycle na Arenas Express... :D
  55. Babaeng Macho *-* May 9, 2008 at 12:33 PM
    hahanapin ko yang pinsan mong yan.san ang route nya,malued to perez ba? or malued to lucao:)):))
  56. princess irishell May 9, 2008 at 12:34 PM
    ikaw po yata eh.. hahaha...!
    :)
  57. DuNi @ May 9, 2008 at 12:51 PM
    alam ko Malued to Perez... sabit ako dati dun eh...
    ewan ko lang kung buhay pa ang tryk nya...
  58. DuNi @ May 9, 2008 at 12:52 PM
    bat ako naging emo? :-P
    ang saya saya ko kaya...
  59. Babaeng Macho *-* May 9, 2008 at 1:09 PM
    e d lagi k ring tambay sa may Luzon Colleges:P
  60. DuNi @ May 9, 2008 at 1:13 PM
    yup Luzon College...
    kaso HS pa lang ako nun kaya target ko ung taga Dominican bwahaha...
  61. Babaeng Macho *-* May 9, 2008 at 3:15 PM
    wow! astig mga sosyalerang dominican<3
  62. macario sakay May 9, 2008 at 3:25 PM
    agawang base... yung base nila sa malakanyang... aagawin natin...
  63. Babaeng Macho *-* May 9, 2008 at 3:29 PM
    sama ko dyan!
  64. macario sakay May 9, 2008 at 3:33 PM
    sali na... amuyin lang mga pagpupulong tungkol dito... hehehe
  65. Babaeng Macho *-* May 9, 2008 at 3:35 PM
    e kelan b ang pagpupulong n yan:-?
  66. DuNi @ May 9, 2008 at 3:37 PM
    hay lakas ng ulan... ang sarap magpulong... hindi lang maka alis :((
  67. Babaeng Macho *-* May 9, 2008 at 3:39 PM
    hmmmmm:-?
  68. velvet san diego May 9, 2008 at 4:22 PM
    sali ako dyan, magaling akong patotot! :-)
  69. velvet san diego May 9, 2008 at 4:24 PM
    sira ka talaga tru! gawin daw bang putotoy ang patotot! ha! ha! salbahe!
  70. DuNi @ May 9, 2008 at 4:25 PM
    aba andami na!
  71. velvet san diego May 9, 2008 at 4:29 PM
    dyan ako napingot ng nanay ko. maghapon kami sa kalye ng mga kalaro ko kase pagalingan sa chinese garter. may kasama pang cartwheel. paguwi ko, ang dumi ko na, punit pa palda ko, may sugat pa sa siko. ha! ha!

    di ako makalabas the next day, grounded. so tinali ko yung garter sa electric fan at sa handle ng tv. pag cartwheel ko, tumama paa ko sa gilid ng table. ayun hiwa, natahi tuloy.
  72. velvet san diego May 9, 2008 at 4:30 PM
    uy kami din. sa manila pa kami nakatira nun. yung late nasa dulo ng kahoy na parang dustpan. yung mga kalaro ko sa kanal kumukuha ng tubig pang guhit. ang baho! ha! ha!
  73. DuNi @ May 9, 2008 at 4:37 PM
    baho kanal sa maynila eh...
    sa probinsya walang amoy ang tubig kanal...
    tapos lupa ung guguhitan...
    kaya madali maglaro...
  74. echolicious ..... May 9, 2008 at 6:37 PM
    luksong tinik maganda rin laruin nun. kahit na sumasabit sabit na pepe mo sa daliri ng mga taya cge pa din wala pa nmn malisya nun eh :))
  75. DuNi @ May 9, 2008 at 6:43 PM
    ma'am echo di ba pag sumabit na sa daliri eh sya na ang papalit na taya? :))

Something to say?