Pagkilos

Category: By DuNi

Kabayan, kelan ka pa kikilos?

Binabagyo ka na ng katiwalian ng gobierno. Sandamakmak na kaso ng scam, magmula sa world’s most expensive highway, sa procurement ng military weapons, pati fertilizer pinatulan na rin, at ngaion pati broadband technology pinasok na rin nila. Hanggang kailan ka mananahimik sa kina-uupuan mo?

Tila yata may selective amnesia ka. Hindi mo na ba naaalala ang pandaraya ng 2004? Kukunsintihin mo na lang ba ang sabuatan nila ni Garci? Dahil ba
action star lang ang mahigpit na kalaban nya sa eleksyon? Nagsawalang-kibo ka na lang dahil pakiramdam mo walang alam yung isa mapatakbo ng bansa? Nanahimik ka lang, kasi mas ok ang credentials nia kesa sa acting awards nung isa?

Naalala mo pa kaya ang decada 80? Inilabas mo ang lahat ng emosyon mo nung 1983. Ang sipag mong kinalampag ang bacod ng Malacañan nung 1986. Pinuno mo ang kahabaan ng Mendiola nung 1987. Hinarang mo pa nga ang mga tangke sa EDSA. Kaso… parang nauwi lang sa wala. Yung mga
pinaglalaban mo noon, bakit tinatalikuran mo ngaion? Katiwalian, pandaraya, pangungurakot, at karapatang pantao. Hindi ba yan pa rin naman ang isyu ngaion? Napalitan lang ng starting line-up, pero sila sila pa rin ang magkakasama sa iisang team.

Pinipilit mo lagi na walang mangyayari sa pag-aaklas ngaion. Bakit sa tingin mo ba may magandang nangyari sa pag-aaklas nio noon? Ipinahamak nyo
lang ang susunod na henerasyon. Nakamit nio nga ang pagbabago ng liderato, pero hanggang dun lang ang naitulong nio. Pinalitan nio nga ang mga namamahala, pero ang sistema pinabayaan niniong lumala. Sabi nio naging malaya tayo, pero ang mga demoniong nagpapahirap at lumalapastangan sa bayan natin, malaya rin.

Oo nga nagpapahayag ka ng pagtutol sa mga kabulukang nakikita mo, pero may ginawa ka ba bukod dun? Mas importante pa yata sa yo ang magliwaliw kasama ng iyong mga kaibigan sa
Tiendesitas, Libis, Fort, Makati at Morato. Mas gusto mo pang nananahimik, dahil iniisip mo may mga sariling agenda ang mga nasa likod ng pagkilos. Maghihintay ka na lang ba ulit ng mga tangke sa EDSA bago ka umasta? Ningas-cogon ka lang ba?

Kabayan, karamihan sa atin pahirap na ng pahirap ang buhay, puera na lang siguro kung ang apelyido mo eh Ayala, Lopez,
Madrigal, Abalos, Arroyo, Sy, Tan, atbp. Ang ibang kapitbahay mo nagpapa-alipin sa ibang bansa may makain lang ang familia. Ang iba dun umuuwi wala nang hininga. Bawat isa sa atin ay may utang ng mahigit na singcuenta mil sa IMF at World Bank, kasama dian ang magiging apo ng apo mo. Pasalamat ka at may isang Lozada na minsan nag-sacrificio para sa katotohanan, kung hindi eh kaya mo bang bayaran kung sakaling umabot pa sa ciento mil ang sisingilin sa yo na inutang ng gobierno mo pero ikaw ang sasalo?

Kabayan, tama na ang pagmumuni-muni lang, itigil na ang pananahimik lang, tama na ang sadiang pagwawalang-bahala. Kikilos ka lang ba pag ochenta pesos na ang halaga ng bigas? Pag beinte pesos na ang pamasahe sa jeep? Sinasayang mo ang panahon. Simulan mo na ang pagbabago, simulan na ang pagkilos... simulan mo na ang revolucion!
Para naman magkatotoo ang inaasam cong slogan para sa bayan:

“Esta nación será grande otra vez…”

126 comments so far.

  1. si pia ay otes May 6, 2008 at 12:41 PM
    "cong" nabuhay ata sina jacinto at bonifacio hehehe sa pagamit ng "c"

    ;)) magaling pwede bang ilink, musta ang training? ok k n dun?
  2. eve ~ May 6, 2008 at 12:42 PM
    :D nu un?
  3. Marky Ramone May 6, 2008 at 12:45 PM
    ung madugong rebolusyon di yung pa kyut lng sa 5 star hotel,..pag nanalo si Allen Xia sa lotto bili sya maraming armas....tas sugod na sa Malacanang...parang Che Guevarra/Fidel Castro talaga...revolution na "walk the walk, talk the talk"...di ung mag iingay lng sa kalye tas back up ng ibang politiko na may hidden agenda ren...

    Re: Training...sana makapag simula ka na ren, dali lng trabaho diba? browse browse lng sa multiply ay este google pala....tas tawag sa telepono...
  4. macario sakay May 6, 2008 at 12:48 PM
    ano raw yung slogan...
  5. eve ~ May 6, 2008 at 12:48 PM
    bakit nga ba d nila mapatalsik si GMA?.. e halos lahat si Marcos nga nagawa nila pababain at s erap bakit siya hindi???

    antagal.....
  6. Badong Trueasiatik May 6, 2008 at 12:50 PM
    Maganda yung EDSA Revolution Part II talaga..sasama ako dun.
    pero pag EDSA EDSA han lang wag na..tapos di naman sure na makakapag patalsik.

    Eve,bakit di mapatalsik si GMA?kasi magaling sya pumili ng mga naka paligid sa kanya ..unlike ERAP.Laki na kaya ng kinita ni ESPERON kay Gloria...wag lang bumaligtad.ilang milyon kaya nabigay sa PNP and AFP Chiefs.
  7. DuNi @ May 6, 2008 at 12:51 PM
    “Esta nación será grande otra vez…” = This nation will be great again!

    para walang association sa past history...
  8. macario sakay May 6, 2008 at 12:52 PM
    mag-organisa na kasi...

    edit ko lang... nabasa ko kasi yung english translation... paki tagalog kasi di ako marunong ingles... hahaha...
  9. DuNi @ May 6, 2008 at 12:53 PM
    hindi ko pa alam... pero may kras si marky dun bwahaha...
    marky maganda pala yung ariane may bf este gf lang... =))
  10. si pia ay otes May 6, 2008 at 1:11 PM
    kailangang hinog ang lahat ng obhetibong salik bago pumutok ang isang tunay na rebolusyon... kaya tama din si sakay kailangan ang malawakang pagoorganisa...
  11. si pia ay otes May 6, 2008 at 1:13 PM
    habang hindi ka pa sumasama sa rally, wag itigil ang pagmumulat sa iba, dahil pag naging sapat na at hinog ang sitwasyon, kakailanganin ang lahat ng taong mulat at may pakialam sa kalsada. ;)
  12. si pia ay otes May 6, 2008 at 1:14 PM
    pero hindi din lahat ng nagiingay sa kalye ay ganun ;) kasi ako wala naman akong backup na pulitiko (yun pala ako ang pulitiko ano? haha, yun lang, saklap)
  13. Certified Maldita May 6, 2008 at 1:15 PM
    tama! saludo ako dyan!
  14. DuNi @ May 6, 2008 at 1:15 PM
    Badong hindi ka ba nagtinda ng mga palamig sa EDSA nung 1986?
  15. si pia ay otes May 6, 2008 at 1:16 PM
    hehehe natatagalan, ka eh tulungan mo kaming pahinugin at paputukin ang sitwasyon, paano, kung estudyante ka, tara magmulat tayo sa mga kapwa mo estudyante, hindi para lang dalhin sa kalsada kung kelan may sigawan sa kalsada, pero para imulat sila sa kamalayan sa nangyayari,

    makakatulong na catalyst ito sa hinahangad na pagbabago ;)
  16. si pia ay otes May 6, 2008 at 1:17 PM
    apir! ;))

    kahit naman pumapasok ka ng otso oras magagawa mo ito, sa pamilya mo magagawa mo ito, sa paaralan kung estudyante ka magagawa mo ito, kung nahihirapan ka, may mga datos akong pwede mong ipamigay, para lang mulat sila, para pag tinatawag na sila ng pagkakataon, sa tamang hinog na panahon, hindi na sila kailangang hilahin, paa nila mismo ang magdadala sa kanila sa kalsada,

    much like edsa of 1986...
  17. DuNi @ May 6, 2008 at 1:18 PM
    2010 na ba yan?
    sabihin mo lang...
    di baleng pro bono...
  18. China Doll May 6, 2008 at 1:18 PM
    This is it- Ito pinakaiintay ni Ate Pia. Dito mo makikita ang powers nya! Aktibista kasi e
  19. si pia ay otes May 6, 2008 at 1:19 PM
    hahhahha sinabi mo ;))
  20. DuNi @ May 6, 2008 at 1:20 PM
    so do i get to start writing the speech na? ;)) bwahahaha...
  21. si pia ay otes May 6, 2008 at 1:23 PM
    hehehe noted!
    as if naman da ba!
    hmft sasakay pwede pa,
    baka mapaaga ang "go home" ko sige pag hiningal ako sa takbo!
  22. neth neth pineda May 6, 2008 at 1:24 PM
    hawak nga kasi ni gloria ang militar, tama si true milyon milyon ang binibigay ni gloria na proteksyon money sa PNP & AFP Chiefs pati na rin kay Ramos..
  23. si pia ay otes May 6, 2008 at 1:24 PM
    kung sing panalo ito ng a message to all multipliers
    eh aba aba aba, mananalo nga ako!
  24. macario sakay May 6, 2008 at 1:24 PM
    "do not engage in a fight that cannot be won" - che guevara

    tanong... hanggang kailan ang paghihintay para baguhin ang nakikitang kabulukan...
  25. China Doll May 6, 2008 at 1:25 PM
    Ito na dumadami na sila..OPSSS usog muna ako! hahahaha
  26. si pia ay otes May 6, 2008 at 1:26 PM
    ano vey ayoko na maghintay pero sabi nga ni fafa che do not engage and yet it will not make me just sit and wait, dapat magsisimula na ang paghahanda, ang preparasyon, para sa takdang oras na ang laban ay kaya nang maipanalo ng tunay na masa ;)
  27. si pia ay otes May 6, 2008 at 1:27 PM
    hehehe jacky i <3 you dito ka lang para pag umiinit na eh, may maganda kaming magpapalamig hehehe ;)) (eh mainit ka din sus, sa iba nga lang hahaha)
  28. si pia ay otes May 6, 2008 at 1:27 PM
    preaprasyon meaning,
    patuloy na pagmumulat
    at pagoorganisa!
  29. si pia ay otes May 6, 2008 at 1:28 PM
    hindi tayo dapat matulog!
    KILOS NA!
  30. China Doll May 6, 2008 at 1:28 PM
    Wahahahahaha basta ako inaantok na aga ko kasi nagising e! sabi ng katawan ko inaantok ako pero ayaw ng utak ko! HAHAHAHHA so so hot!
  31. neth neth pineda May 6, 2008 at 1:30 PM
    if i know duni, nagsisimula ka ng magsulat ng isang makabagbag damdaming speech ;))
  32. DuNi @ May 6, 2008 at 1:31 PM
    sabi naman ni tiyo Fidel eh "it doesn't matter how small you are if you have faith and plan of action"
  33. DuNi @ May 6, 2008 at 1:35 PM
    wala pa... wala pa akong maisip eh ;))
  34. si pia ay otes May 6, 2008 at 1:37 PM
    magkaugnay yun at tahing tahi dunni---

    kung maliit ka pero may plan of action,
    "plan of action" being kalkulado mo ang lakas ng kalaban laban sa lakas mo,
    kahit hindi man isang daang porsyento, may sapat kang basehan para sa leap of faith upang tumaya at sabihing "its time to engage, i can win this fight!"

    i guess hindi naman ibig sabihin ni che na isang daang porsyento, ang nais lang niya ay caution at tamang paghahanda, at in marx point of view and lenin's point of view, kailangan ng sapat na pagpulso sa kaganapan sa lipunan... ang palagiang pagaaral nito, para sa angkop na pagkilos..
  35. si pia ay otes May 6, 2008 at 1:37 PM
    nyahahah!
  36. macario sakay May 6, 2008 at 1:48 PM
    ay oo... hindi naghihintay si fafa che ko ng isang kalagayang paborante para sa rebolusyon... kasi naniniwala siya na hindi ito hinihintay... ito ay ginagawa... ginagawa meaning pinaghahandaan...

    paalala nga pala ni fafa che... quote ko na lang ng buo... hehehe... ingles di ko kayang i-translate...

    "...the countryside is the fundamental arena for armed struggle."

    "...the workers' movement (sa kalunsuran) must function clandestinely without arms and face enormous dangers. The situation is less difficult in the open countryside, where the armed guerrillas can support the local people, and where there are places beyond the reach of the repressive forces."
  37. si pia ay otes May 6, 2008 at 1:51 PM
    taym pers, i dont like sharing, kahit na socialist point eh walang private property,
    ang fafa ko ay fafa ko, manong che na lang itawag mo hahahaha, fafa ko yun, ano vey! hahaha lolz ;))
  38. DuNi @ May 6, 2008 at 1:55 PM
    kaya nga tiyo Fidel at tiyo Che ang tawag ko eh... sabi na nga ba may aangal!
  39. si pia ay otes May 6, 2008 at 1:56 PM
    yep ginagawa, ang magpapaigting ng tunggalian, ay ang antas ng kamulatan,
    kaya higit na mahalaga ang patuloy na pagoorganisa kaysa sa kalsada,

    mahalaga ang kalsada, kung handa na at mulat na ang mga taong pupuno dito,

    at hindi makukuha ang pagmumulat sa paguunder-estimate ng mga hindi pa mulat, kukutyain lang ba natin siya at aangkinin natin ang monopolya ng misyon sa pagpapalaya sa bayan?

    mananatiling kaunti ang ating hanay kung ganun,
    hamon sa ating mga mulat kung paanong makapanghawa ng init ng ating
    paniniwala at ideolohiya sa ibang naninigas na ata sa kawalang pakialam,
    oo nga at nakakainis sila pero the burden to capture their imagination is ours,
    to us that understands the urgency of staging a revolution...

    shiyet nosebleed napa-english ;))
  40. si pia ay otes May 6, 2008 at 1:57 PM
    haha maayos na pageensayo ng pagtitimbang ng desisyon ;))
  41. eve ~ May 6, 2008 at 2:06 PM
    mukha nga eh..pero nakakainis eh.. sabgy kahit sino umpo sa kanila dyan sa posisyon na yan.. pareho lang .. wala na ang pinas wala n ytang pag asa... mahirap na nung pinanganak ako.. baka mas lalo pa hangat mamatay...

    haayyy
  42. Bujon ^ May 6, 2008 at 2:16 PM
    Naiintindihan ko ang ang frustations mo Eve, pero hindi ako sang-ayon sa;

    "kahit sino umupo sa kanila dyan sa posisyon na yan.. pareho lang .. wala na ang pinas wala n ytang pag asa."

    Hindi natin maaaring tanggapin ang mga salitang yan, dahil direktang pang iinsulto yan sa lahing Filipino...85 million tayong lahat...napaka imposible na walang matinong mga leaders na pwedeng mamuno sa atin..marangal ang mga Filipino, Eve, kung gugustuhin natin na magkaroon ng mabuting pamahalaan at lipunan magagawa natin..
  43. princess irishell May 6, 2008 at 2:17 PM
    kinikilabutan ako sa mga nababasa ko..
    parang isang libro sa history kung paano nakipaglaban ang mga tao..
    parang palabas sa tv na ang title ay "BAYANI"..
    natatakot ako..
    kasi pag tinatanong ko ang sarili ko ng..
    "ano bang magagawa ko?"
    wala akong masagot..
    :'(
  44. eve ~ May 6, 2008 at 2:20 PM
    Siguro nga pero so far kasi walan kang makita pagbabago.. kaya ko nasabing parang pareho lang.. oo alam kung KAYA at MARANGAL ang pinoy..pero asan tayo? .. Kung gugustuhin natin oo..pero pano? anu ang ebidensya na kaya natin....kulang tayo sa gawa.. kulang sa action... kelan pa.. at sino ang dapat mamuno na kaya niyang i save ang pinas??
  45. Bujon ^ May 6, 2008 at 2:22 PM
    Maganda ang mga tanong mo...sisiguraduhin ko sayo lahat ng yan ay may mga sagot..

    PERO ang tanong ko sayo...itong mga bagay na hinahanapan mo ng sagot, handa ka bang manindigan at kumilos para makamit ang mga ito?

  46. eve ~ May 6, 2008 at 2:26 PM
    i hate history! hahahahahaha...

    kidding....

    sure y not...:P pero nd naman din lahat ng pagkilos nadadaan sa RALLY db? or pagbabago kelangan mag EDSA Rally..na hangang makarating sa EDSA 20x

    OA na un....

    kasi kung un at un..dun mo makikita pinas is getting worst....
  47. si pia ay otes May 6, 2008 at 2:28 PM
    meron kang magagawa,
    pero kailangan mong intindihin at isapuso bakit mo ito gagawin
    para mas matibay at walang pagtalikod sa hinahangad na misyon,

    kaya mo,
    leap of faith ;)
  48. si pia ay otes May 6, 2008 at 2:32 PM
    aabot dun kung mga pekeng rally ang maisasagawa,
    mga rally ang isinusulong ay sariling interes ng iilan sa lipunan,
    at hindi ng masang mahihirap at manggagawa...

    kaya dapat ngang makialam para mapataob at maagaw sa iilan ang kapangyarihang ito na magdikta ng ating kinabukasan...

    sino? ang mamumuno?

    sa 85M pilipino, someone will rise up to the challenge, at siya'y dapat na tunay na galing sa masa, at masa ang magwawasto sa kanya... yun ang tunay na demokrasya na ang kapangyarihan ay nasa tao...
  49. si pia ay otes May 6, 2008 at 2:34 PM
    pag nakakainis, dapat magtulak ito sa atin na may gawin ;)
    pag iniinis ka di ba naasar ka, may ginagawa ka sa nagaasar sa'yo
    yun ang hamon sis ;)
  50. Bujon ^ May 6, 2008 at 2:35 PM
    ok...maganda yan....

    Tama..pwede...na hindi rally...ang rally kasi ay isang porma ng protesta o pagpapakita ng dissent sa pamahalaan. Para sa iba istorbo ito o di na epektibo...pero ako personally naniniwala ako dito..bakit?

    Ang pamahalaan ay makapangyarihan....kapangyarihang nagmula sa bayan...kapag ginamit ito sa masama ng pamahalaan laban sa bayan..ano ang laban ng mamamayan?

    Korte? legal na proseso?...tama..pero MAY PROSESO...it takes time....

    Paano kapag ang isyu ay nangangailan ng immediate response?
    Halimbawa, kung hindi nagprotesta o nagrally sa kalye ang mga tao tungkol sa ZTE NBN deal o sa garapalang korapsyon...malamang natuloy ang mga kontratang maanomalya...

    Ang rally ay pagpapakita ng immediate dissent ng mga tao.....habang hinintay pa ang pag usad ng malapagong na prosesong legal... (kung meron nga talagang ganun)
  51. macario sakay May 6, 2008 at 2:37 PM
    Saan ba ang location mo... baka pwedeng magbigay ng ilang suhestyon sa kung ano ang pwedeng gawin...

    tama si otsopya... hindi basta may ginawa... kailangan alam mo bakit mo ito ginagawa... at para kanino ito... at kung sakaling ang sagot sa mga tanong na iyan ay may anino ng iyong SARILI... delikado... hindi tama ang motibasyon na nakuha mo kaya ka gumagawa...

  52. Babaeng Macho *-* May 6, 2008 at 3:36 PM
    kelan? hanggang kelan tayo maghihintay para mapabuti ang ating bansa.kung hanggang ngayun marami p rin ang nakaupo s pwesto n walang ginawa kundi magpakaligaya sa perang dapat sa taong bayan pala.

    at ang iba sa atin,deadma sa mga nangyayari sa paligid,kelan tayo kikilos?
  53. DuNi @ May 6, 2008 at 3:39 PM
    ang ganda ng diskusyon...
    sumaglit lang ako sa bayan eh ito na ang naabot...
  54. Babaeng Macho *-* May 6, 2008 at 4:12 PM
    ang iba sa tin magaling sa salita,pero sa gawa wala!
    isa kaya ako dun?
  55. DuNi @ May 6, 2008 at 4:17 PM
    depende sa gagawin mo...
  56. Babaeng Macho *-* May 6, 2008 at 4:33 PM
    uu nga,ano b gagawin ko? magagawa ko kaya.
    tara samahan mo ko...
  57. DuNi @ May 6, 2008 at 4:38 PM
    tara sa sulok!

    yung kaya mong gawin bilang mamamayan...
    teka nga makapag blog nga ng halimbawa...
  58. Babaeng Macho *-* May 6, 2008 at 4:40 PM
    bakit s sulok! d ako makakagalaw nun,d b pwedi open area.

    korak,tama! dali gawa na...
  59. erinjeri * May 6, 2008 at 4:54 PM
    duni ang haba...
    pero binasa ko pa din hehehe...
  60. DuNi @ May 6, 2008 at 5:02 PM
    alin mahaba?
    maigsi pa nga yan eh... may binura na ako...
  61. erinjeri * May 6, 2008 at 5:12 PM
    tamad kc tlga ako magbasa minsan..
    wehehe
  62. DuNi @ May 6, 2008 at 5:15 PM
    eh baket ung penis enlargement ambilis nyo dun? :-P
  63. princess irishell May 6, 2008 at 5:15 PM
    gusto ko ang mga ganitong usapin..
    nagkakaroon ako ng sapat na kaalaman sa kung ano na nga ba ang nangyayari sa pulubi nating bansa..
    pero ni kahit katiting walang pumapasok sa kukote ko na ideya na kung ano nga ba ang gagawin ko..
    hindi ko alam..
    oh sadyang takot lang ako..
    maaari..
    walang pumapasok sa isip ko dahil takot ako..
  64. erinjeri * May 6, 2008 at 5:17 PM
    eh kc nmn bago sken ung balita n un eh *todo palusot
    wehehe
  65. DuNi @ May 6, 2008 at 5:18 PM
    palusot ba :-P
  66. princess irishell May 6, 2008 at 5:20 PM
    sa cavite ako nakatira..
    kasalukuyang nag tatrabaho sa kumpanya ng mga banyaga..

    kahit pigain ko siguro ang utak ko..
    wala akong maibibigay na kahit anumang suhestyon..
    pero handa akong tumulong sa abot ng makakaya ko..
  67. DuNi @ May 6, 2008 at 5:44 PM
    tumulong ka na lang magpamulat sa mga kakilala mo kung ano ang tunay na sitwasyon... sa ganung paraan makarating sa kanila at pumasok sa isipan kung ano nga ba ang mga isyu ng lipunan at kung bakit may mga taong kumikilos, bumabatikos, at lumalabas para magpahayag ng pagkadismaya sa sistema... ang mamamayan naman hindi mag iingay kung walang basehan... hindi naman magagalit ang taongbayan kung walang ikakagalit diba...
  68. princess irishell May 6, 2008 at 5:56 PM
    naalala ko:

    may naka-sagutan ako sa jeep..
    kasagsagan ng rally nun..
    traffic..
    sabi ng isang matandang babaeng hukluban..
    "kaya nagkaka-trapik! dahil sa mga katarantaduhan ng mga kabataan.. rally ng rally gusto lang sumikat at makita sa tv.. sana pasabugin na lahat ng nag ra-rally para ubos na yang mga utak biya.. para wala ng trapik.. ang init inti..!"

    sumagot ako:
    "wala kasi kayong pakelam sa bansa nyo.. ang masaklap.. wala kayong alam.."

    minura ako eh..
  69. DuNi @ May 6, 2008 at 6:15 PM
    tinamaan yan =))
  70. princess irishell May 6, 2008 at 6:35 PM
    hehehe....

    tinamaan din ako ng mura...
    buti na lang.. to the rescue ang earphone..
    hahaha...!
  71. DuNi @ May 6, 2008 at 6:38 PM
    sows asahan mo na magmumura ang taong napahiya...
    yun lang ang pang ganti nya eh...
  72. Bujon ^ May 6, 2008 at 6:38 PM
    Madalas talaga di maintindihan ng iba ang mga ibig sabihin ng mga
    protesta sa lansangan. Akala nila panggulo o perwisyo lang ito.
    Pero, napatunayan naman sa madaming pagkakataon na ang mga rally ay
    may mga kabutihan ding naidulot para sa pagbabantay ng mga abuso at
    korapsyon sa pamahalaan. Tama rin sigurong aminin na may mga rally
    rin na baluktot ang pinaglalaban....pero mas madalas ang may
    malalim na adhikain..

    Nakakalungkot din makita ang ginagawang pagsupil ng mga mas nakakatanda
    sa ideyalismo ng mga kabataan. Imbes na suportahan, nilalait pa
    at pilit pinahihina ang loob ng mga kabataan. Nabigo na nga silang
    mag latag nang mas maayos na lipunan para sa ating henerasyon. At ngayon
    nagiging dahilan pa sila upang wasakin ang ideyalismo ng kabataan.

    Pero, naniniwala ako...madami pang mga kabataan ang titindig at
    lalaban para sa "social change." Maski mas marami ang naduduwag.
    Meron pa ding mga kabataan at Filipino na pipiliing ukitin ang
    isang mas marangal na lipunang Filipino.
  73. Babaeng Macho *-* May 6, 2008 at 6:49 PM
    kung murahan..ako n panangga nyo! magaling ako dyan:P

    pero totoo,ung mga taong ganyan,napapahiya talaga sila,b namang ganun ang sabihin mo,walang pakialam sa bansa,hahahaha=))
  74. DuNi @ May 6, 2008 at 6:53 PM
    may naalala ako dyan...

    WIFE: "Hon para mas exciting ang sex natin... mag dirty talk ka naman..."

    HUBBY: "Basura! Tae! Patay na daga!"
  75. Babaeng Macho *-* May 6, 2008 at 7:07 PM
    hahahahaha!!!
    naman! dirty nga!
  76. si pia ay otes May 6, 2008 at 9:51 PM
    kelan?

    kailangan pa bang imemorize iyan? NGAYON NA, as in NOW NA... pero stages yan, ladderized kumbaga... maging mulat (ideologically, politically, organizationally), habang namumulat, at naging mulat, manghawa pa... ang pagdami natin ay isang subjective condition para maganap ang hinahangad na pagbabago... ang objective condition ay sobrang given na... kahirapan, korupsyon, kung anik anik na scam, pataasan ng trilyones na ninanakaw...
  77. si pia ay otes May 6, 2008 at 9:52 PM
    aba eh, ikaw lang ang ganap na makakasagot niyan,
    wala ako o sila o sino man para husgahan ka...

    sa dulo sarili natin mismo at damay pati ang ating pamilya
    na siyang sisingilin ng ating kawalang pakialam at kapabayaan o_0
  78. si pia ay otes May 6, 2008 at 9:53 PM
    oist anong sulok yan hahaha ;))
  79. si pia ay otes May 6, 2008 at 9:55 PM
    nyahaha late ako naghahabol ng recitation ;))

    hi alexei ;) at irishell iadd mo kaya ako hehehe... ;))
  80. DuNi @ May 6, 2008 at 9:56 PM
    wag ka na! hindi ka pwede dun! hahaha...
  81. si pia ay otes May 6, 2008 at 10:00 PM
    hahahaha ;)) hmft. ;))
  82. DuNi @ May 6, 2008 at 10:03 PM
    wag magtampo...
    hindi ka lang talaga pwede sa sulok ;))
    walang tiramisu dun!
  83. si pia ay otes May 6, 2008 at 10:11 PM
    ah wala naman palang tiramisu, sige fayn ;))
  84. DuNi @ May 6, 2008 at 10:31 PM
    wala nga... kaya wag ka sasama dun...
    twilight zone yun!
  85. echolicious ..... May 7, 2008 at 12:07 PM
    wag magmukmok.... ano nga ba ang dapat gawin ni juan dela cruz para mabago ang sistema ng gobyerno ng pilipinas? ilang daang rally na ba ang ginawa ni juan dela cruz? pinakinggan ba ang hinaing niya? ang panaghoy niya? ang panawagan niya? may magandang nangyayari at may saysay ba ang bawat pagsigaw ni juan dela cruz sa kalye? kanino ba talaga dpat magsimula ang pagbabago? kay juan dela cruz o sa mga nakaupo sa gobyerno?

    nalilito kasi ako eh..

  86. DuNi @ May 7, 2008 at 12:34 PM
    hindi naman kailangang malito... ang kailangan lang lumagay sa tamang lugar... mas maganda sigurong unahin mo ang pagbabago sa sarili mo... sa pamilya mo... sa paligid mo... imulat sila sa tama, sa isyu, sa mga kaganapan... at pagkatapos unti unting kalampagin ang nakararami hanggang sa marinig ng buong sambayanan ang hinanaing... ang gobierno matigas talaga ang ulo nyan... sa pamamagitan ng mamamayan magkakaroon ng katuparan ang pagbabagong inaasam... tayo ang kikilos sa umpisa... ang gobierno ang tatamaan pagdating ng panahon...
  87. Armando Valencia May 7, 2008 at 12:48 PM
    Hindi maaaring asahan na magbago ang bawat isang mga kumag sa gubyerno. Hindi maaaring ipakiusap sa demonyo na magpalit-balat at maging anghel. Yan mismo ang kagimbal-gimbal na pananaw ng mga obispo na ang pagbabago daw ay dapat simulan ng lahat at umpisahan ng mga lider natin. Kalokohan! Hindi sila magbabago kahit lumuha pa tayo ng dugo. Palitan ang bulok na sistema! Sino lang ang makakagawa nito kundi tayo lamang na mga mamamayan.
  88. Armando Valencia May 7, 2008 at 12:54 PM
    Hindi natin kailangang umasa na magiging bukas ang mga naghaharing uri sa ating mga hinaing. Kung pagsarhan tayo ng pinto, gibain natin ito. Kung mag-bingi-bingihan sila lunurin natin sila ng ating galit na boses. Kung magbubulag-bulagan sila ay tuluyan na nating bunutin ang kanilang mata.
  89. DuNi @ May 7, 2008 at 1:00 PM
    elchancho umaga pa lang... hinay hinay ng konti... hayblad ka na agad :))

    pero tama ka...
    hindi na magbabago ang gobierno...
    tayo ang magpapabago sa kanila!

    sabi nga ni tiyo Fidel [Castro]:

    "I began revolution with 82 men. If I had to do it again, I do it with 10 or 15 and absolute faith. It doesn't matter how small you are if you have faith and plan of action."
  90. Bujon ^ May 7, 2008 at 1:00 PM
    Kaya tayo dapat mismo ang kumilos, magtaya at lumahok para sa pagbabago ng lipunan. Madalas ang nais lang ng iba ay maging fence sitter. At inaasa sa mga naglilider lideran ang pagbabago. Hindi iyon magaganap kasi meron silang mga interes na pinoprotektahan, at habang nanantili sila dun lalong nagiging kawawa ang kalagayan ng bansa.

    Dapat maging bukas tayo sa pag aaral ng tunay na sakit ng lipunan para malaman natin ang mga nararapat na gamot dito...

    mag-aral. lumahok. magtaya at kumilos.....kung madami ang maninindigan para dito...walang imposible...magagawa nating baguhin ang ating bansa.
  91. Armando Valencia May 7, 2008 at 1:09 PM
    Hehe. Sensiya na plorwaks. Nageensayo lang. Sa trabaho ko kasi kasama ang matitinding polemics.
  92. DuNi @ May 7, 2008 at 1:12 PM
    ok lang yan... medyo dahan-dahanin mo nga lang...
    marami pang virgin dyan...
    baka ma culture-shock! hehe...
  93. Armando Valencia May 7, 2008 at 1:14 PM
    Ok noted. Tabi-tabi po sa lahat ng mga mambabasa.=)
  94. DuNi @ May 7, 2008 at 1:16 PM
    orient mo muna kung pano kumilos...
    bigyan mo nga ng paunang step... :-P
  95. Armando Valencia May 7, 2008 at 1:24 PM
    In general terms, here it is. (1) Study, study and more study. Avoid superficial learning. Get a good grasp of theory, i.e. the problems of society, the reasons why and what may be done. (2) Practice guided by theory. Leave the comforts of home and meet people. Organize. Agitate. Fight. Hindi maiiwasan ang rally, alamin ang tunay na kahalagahan nito. (3) Higher level is to dedicate life to the struggle.
  96. echolicious ..... May 7, 2008 at 2:14 PM
    "There are many things we do not want about the world. Let us not just mourn them. Let us change them." - Ferdinand Marcos

    <
  97. echolicious ..... May 7, 2008 at 2:31 PM
    "There are many things we do not want about the world. Let us not just mourn them. Let us change them."
    <
  98. DuNi @ May 7, 2008 at 2:40 PM
    uy bakit nag delete?
  99. Armando Valencia May 7, 2008 at 2:47 PM
    Magandang pananaw tungkol kay Marx and Lenin. Nais ko lang ipunto na noong nag-rebolusyon sina Che at Fidel, hindi talagang masasabi na sinunod nila ang stratehiya at taktika na napapaloob sa mga akda ni Lenin. Iba ang kanilang pananaw, tulad nang nasabi ni Sakay, hindi na nila kinailangang antayin ang "objective conditions" dahil ayun sa kanila "the struggle itself will create those conditions".
  100. Armando Valencia May 7, 2008 at 2:54 PM
    Suwerte na lang at nanalo sila. They were vindicated. Kung hindi, baka napuna na sila ng kritisismo sa pagiging "ultra-left" --- ang pagsalakay nang hindi muna isina-alang-alang ang kakayahan at kamulatan ng nakararami. Sa totoo lang, walang paki-alam si Fidel sa lakas ng kalaban. At talagang malakas si Batista. Pero, kumilos pa din siya na may sobrang tiwala sa kanyang sarili. According to him, some leaders are destined to play crucial roles in the affairs of men, and that such leaders may affect "subjectively" the objective conditions in a country.
  101. Armando Valencia May 7, 2008 at 2:55 PM
    Kung nangalkula si Fidel, ay maaaring tumagal pa ang rebolusyon. Maaring nag-antay muna sila ng pagpalawak ng mass base. Maaring manalo sila, ngunit baka hindi sa loob ng dalawang taon lamang na pakiki-digma sa Sierra Maestra. Si Fidel ay "exception" sa "general rule." The general rule (i.e. Leninist strategy and tactics) is still valid. But we cannot deny that exceptional circumstances do arise that do not actually call for application of the conventional idea.
  102. si pia ay otes May 7, 2008 at 6:23 PM
    taympers wala akong masagot kaoonline ko lang ;)
    hindi pwedeng isawalang bahala ang calculation,
    read sun tzu--- art of war.

    pero hindi naman kailangang perpekto an g kalkulasyon,
    kaya pumapasok ang salitang "leap of faith"


    mamaya ididigest ko to ;)
  103. DuNi @ May 7, 2008 at 6:25 PM
    ako nga na mental block...
    inutusan kasi sa labas eh...
    nasira ang tot este line of thought...

    si Mam Echo bakit nabubura ang mga comments nya... :-P
  104. si pia ay otes May 7, 2008 at 6:29 PM
    out muna ako pauwi pa lang house hehe,
    less than an hour ill be back online po,

    uu nga check ko siya mmaya ;)
  105. si pia ay otes May 7, 2008 at 8:08 PM
    GD na GD ah ;)

    may step 4: repeat step 1 on a higher level... upward spiral ang progression ng paghuhubog...
  106. DuNi @ May 7, 2008 at 8:11 PM
    alin ang higher level?
  107. si pia ay otes May 7, 2008 at 8:26 PM
    hindi nga naman kailangan silang sundin to-the-letter, iwasan ang sobra, at ito'y maging dogmatismo, iwasan ding maging malabnaw naman, tamang timpla ang kailangan sa pagitan ng teorya at praktika.

    kaya may apat itong pinapasok na antas...
    1. Perseptwal na Antas
    -- paggamit ng limang senses
    2. Antas ng Pag-unawa
    -- paggamit ng utak at isip
    3. Antas ng Pagbabalik sa Teorya sa Praktika
    -- pagpaplano o paglalapat ng resolusyon
    4. Pagsubaybay at Paglapat ng Teorya sa Praktika
    -- evaluation at synthesis

    (hehe ginagamit ko lang ang ginagawa sa kahit anong ordinary org)
  108. si pia ay otes May 7, 2008 at 8:32 PM
    ang haba ng sasabihin ko defining (1) subjective condition; and (2) objective condition. hay ito na naman tinamad. usap na lang tayo.

    oo hindi ito hinihintay dahil ito ay ginagawa
    at hindi din ito nangyayari na agad-agad.
    kaya dapat nga patuloy sa pagoorganisa,
    at pagpapataas ng antas ng kamalayan at kamulatan,

    pero habang ginagawa mo, ang pagmumulat,
    naghihintay din ikaw hehe, so active na paghihintay.

    isa lang naman punto natin ah?!
  109. si pia ay otes May 7, 2008 at 8:34 PM
    nung unang daan mo sa teorya, matututo ka,
    pero pag ginamit mo na sa praktika, babalikan mo ang teorya
    at may bago kang matututunan... learning is always progressive,
    kaya higher level ;) yun lang yun.

    (well, taken from youth ministry model haha)
  110. Armando Valencia May 8, 2008 at 11:29 AM
    Yup at Punyal point of view yun ha? =)
  111. DuNi @ May 8, 2008 at 11:33 AM
    hehehe usap ba?
    gusto nyo manggulo ulet sa Mentaluyong?
    balita ko sira daw ang PC eh...
    may aayusin na naman ako malamang =))
  112. Armando Valencia May 8, 2008 at 11:41 AM
    Text nyo ako plorwaks pag nag-session uli kayo sa barangka gusto ko maki-update sa iyo at kay pia. Tinext ko na siya pero wala pa sagot.
  113. DuNi @ May 8, 2008 at 11:48 AM
    busy yata... may sked yata yun ngayon...
    iniwan ko na kagabi sa multiply...
    biglang sumakit ang ulo ko eh...
  114. Armando Valencia May 8, 2008 at 11:56 AM
    Sige. Suhestiyon ko na ugaliin natin sa Punyal na as much as possible wag lalampas ang isang linggo na hindi tayo nagkikita, naguupdate, nagpapalitan ng kuro-kuro at natututo sa isa't-isa. Kahit sa di pormal na pulong, kahit isama natin si pareng San Mig (hehe), magkita-kita tayo. Sinabi ko na rin yan kay polatenna. =)
  115. DuNi @ May 8, 2008 at 12:05 PM
    Naku kung malapit lang ako eh tuwing may miting de dekwat ako ng inumin sa taguan ng alak... :))
  116. Bujon ^ May 8, 2008 at 12:06 PM
    Agree ako dyan! Teka, may member na ba ng Punyal na ang name ay San Mig? Tunog koreano na kano ang pangalan ah!
  117. DuNi @ May 8, 2008 at 12:09 PM
    sayang nakalipad na si pareng Johnny na mahilig maglakad...
    pwede siguro natin isama yun!
  118. DuNi @ May 8, 2008 at 12:17 PM
    dapat siguro gawan ng mosyon para gawing Honorary Member si San Mig sa Punyal.... kasi lagi naman siyang andun... mapa pormal o hindi pormal na talakayan... :D
  119. Armando Valencia May 8, 2008 at 12:43 PM
    Consistent member si pareng San Mig ah.Wale nagang absent yan. Oo nga pala di kayo magkasundo nun. Pero kaibigan siya ng karamihan. =)
  120. Armando Valencia May 8, 2008 at 12:44 PM
    Hindi lang "Honorary" most consistent at most distinguished pa. =)
  121. Armando Valencia May 8, 2008 at 12:46 PM
    Medyo mahal ang presensya ni pareng Johnny. Pero welcome pa din siyang manlabas pasok. Ikaw na plowaks bahala sa kanya at disipulo ka nun. Hehe.
  122. DuNi @ May 8, 2008 at 12:47 PM
    aba ang lupet most consistent!
  123. si pia ay otes May 8, 2008 at 2:29 PM
    hala nagpulong dito. hehehe.
    hanggang biyernes ako ng hapon dito,
    pwede ako ng gabi ;)
  124. DuNi @ May 8, 2008 at 2:42 PM
    pasalubong!
    wag lambanog... yuck!!!
    wag din bayawak... dami sa batasan doon sa mataas ang gate...
  125. echolicious ..... May 9, 2008 at 5:08 PM
    ni delete ko po kasi di tinatanggap ng buo yung comment ko naka-cut. bkit kya?
  126. DuNi @ May 9, 2008 at 5:16 PM
    mahaba ba?
    baka may napindot ka lang na mali or baka sa script ng multiply din minsan...

Something to say?