Prestige and Class

Category: By DuNi

While surfing channels looking for local news, I stumbled upon the live broadcast of the UAAP Finals. Although I am not a certified “UAAP student” (i had a brief three an a half year stint with an NCAA school in the 90's), this year's finals had drawn unimaginable crowd.

Ateneo versus De La Salle.

Two prestigious schools. Two schools with a standard above the rest of the educative communities around Philippines. Two bitter rivals for the past decades, from the hard court to the business to the political jungle, alumni of both schools have been haggling it out between themselves on who went to the better school. Their distaste for each other have been immortalized from the NCAA where both schools had started and has continued until today. So, the battle for the basketball championship became interesting in a sort of way, fueling up the rivalries for the green and blue-blooded fanatics.

I was never that attentive of the UAAP happenings, except for last night, I think. The fact that I was an NCAA student, and a little bit of bitterness on my part for having not pursued to study at probably both schools(financial constraints) might have contributed to my lack of interest of the games. Even in college, I seldom watch the games, which is ironic since I came from a High School with 5 basketball courts(excluding the gymnasium), having also a football field and a swimming pool. It's not that I am unsupportive of my school but the games during that time really does have that disinteresting taste in them.  I hated our high-flying, slam-dunking all-star player, who does not have an idea where the West is. Yes, I bought tickets for the NCAA games before, and then I showed them to my PE Instructor, which would be the equivalent of 1 session's attendance, and then I went to the malls.

Last night was probably an exception. I was glued to the channel at the start of the 4th quarter, when the game where very much close since only 3 points separates the two teams. I do not have any idea about the dramatics during the early part of the game. I was merely a neutral spectator, watching the intensity of the game, the players, and the crowd at Araneta.

So, it was startling to witness how De La Salle “snubbed” the awarding ceremonies after the game. I know, it was a bitter pill the swallow - losing against an arch rival, perhaps questionable officiating as seen from other people's points-of-view, humiliation in front of your worst enemy – these are the things that a proud warrior would never wanted to happen.

I remember the saying I saw in one of the basketball courts I played years ago, printed on the walls, although I could not remember where. It goes like this:

“God does not look at how many points you have scored, rebounds you have snatched, or assists you have given... it's how you played the game...”

Obviously, we can easily achieve PRESTIGE, but we cannot teach CLASS.


Bangsamoro nga kaya?

Category: By DuNi

Iniisip ko na masyadong nahuhuli na yata upang maglabas pa ng sariling kuro-kuro tungkol sa isyu ng Bangsamoro Juridical Entity.  Pero sa isang usaping tumatalakay, nagbibigay ng kakaibang reaksyon, kaguluhan, at matinding interes para sa kapakanang pambansa, walang masasabing huli o maagang pagbabalangkas.  Ang anumang kuro-kuro ay mapapakinabangan, lalo na isang napaka-sensitibong isyu na bumabalot ngayon at maaaring magdulot ng masamang epekto sa kapalaran ng ating bansa.

Nasabi na rin lahat ng mga taong may kinalaman o kahit ng mga nababahalang Pilipino ang kani-kanilang saloobin tungkol sa usaping Bangsamoro, pero habang hindi malinaw ang isyu tungkol dito, patuloy itong sisitahin at uusisain ng madlang bayan, sa ayaw man at sa gusto natin.

Hindi ko rin siguro kailangan pang ipaliwanag kung ano ang BJE at kung ano ang magiging epekto nito.  Kung kayo ay wala pang ideya tungkol dito, bilang isang responsableng mamamayan ng Pilipinas, ikaw ay may obligasyon na alamin ang mga detalye nito, lalo na kung ang mga magiging desisyon tungkol dito ay magpapabago sa kasaysayan ng ating bansa.

Tutol ba ako sa BJE?

HINDI ako tutol, pero hindi yun ang katapusan ng saloobin ko. 

Hindi ako tutol sa pagbabalak ng mga Moro na itaguyod ang pansariling pamamahala.  Sa halos limandaang taon na pagpapabaya ng lahat ng nanakop at nanungkulan sa pamahalaang itinaguyod dito sa Pilipinas, walang tunay na nagmalasakit para sa kapakanan ng mga Moro. Kastila, Amerikano, Hapon, at kahit mismong mga Pilipinong namuno ay hindi binigyan ng importansya ang mga kababayan natin sa Mindanao.  Ito sa tingin ko ay isang sapat na rason upang bigyang laya ang sarili sa pagkaka-api.  Halos katulad din ito sa sitwasyon sa isang pamilyang nagsisimulang magkawatak-watak.  Kung ikaw mismo ay ayaw kupkupin ng mga taong dapat na pangangalagaan ka, hindi  mo na sigurong kailangan pang ipagsiksikan ang sarili mo sa kanila.  Sa ganitong punto ako sumasang-ayon kung sakaling payagan ang mga Moro na magsarili.

Sa punto rin ng kasaysayan ng Pilipinas, sinasabi nila na kailanman ay hindi sila nasupil noong panahon ng pananakop ng Kastila.  Naitaguyod nila ang ipinagmamalaki nilang kaharian ng Sultan ng Sulu bago pa man dumating ang mga Kastila.  NGUNIT dito ako magkakaroon ng kaunting di pagkaka-ayon.  Usisain din natin ang kasaysayan.  Bago pa naitaguyod ang kaharian ng Sultan sa Sulu, ang mga LUMAD ang unang naninirahan sa isla ng Mindanao.  Kung usapang "Ancestral Domain" lang naman, di hamak na mas may karapatan ang mga lumad kaysa sa mga Moro na umangkin sa kaninu-ninuang lupain.  Tandaan natin na ang mga lumad ang naninirahan sa kabuuan ng Mindanao, bago pa man dumating at magkaroon ng kaharian at itaguyod ang Islam dito.  At tandaan din natin na napilitang lisanin ang naitaguyod na komunidad at manirahan sa mga bulubundukin ang mga lumad upang maiwasan ang pagkaubos ng kanilang lahi.  Ang mga lumad ay hindi mga orihinal na Muslim, kung susundin natin ang kahulugan ng salitang Moro na nangangahulugang Muslim.  Ang mga lumad ay hindi mga Moro, ngunit halos parehas din ang kapalaran nila.  Pinilit na sakupin ngunit hindi nagtagumpay, at hanggang sa huli ay patuloy na ipinapagsa-walang bahala ng sinumang namumuno sa lipunan, sa ngalan ng kaunlaran.  Samakatuwid, hindi dapat isinama sa usapin ng Bangsamoro ang magiging kahihinatnan ng mga lumad.  Kung gagamitin ulit ang isyu ng “Indigenous People” sa usapang Bangsamoro, malinaw sa kahulugan ng salitang “Indigenous” na ito ay nagpapatungkol sa mga sinauna, aboriginal, at katutubo.  Hindi dito kailanman nabanggit ang mga taong nanggaling sa ibang lugar kahit na ito pa ay nagtaguyod at napanatili ang kanilang kultura sa lugar na napuntahan nila.

Sa usaping kaharian ng Sultan ng Sulu, ito ay isang bahagi na lamang ng nakalipas.  Wala nang nakakaalam at nakakadama ng kahariang ito kundi sa mga libro na lamang ng kasaysayan.  Ang paggigiit ng kaharian ng Sultan ng Sulu sa kasalukuyan ay maihahalintulad ng patuloy na panghihimasok at pagpupumilit na pag-a-angkin ng Tsina sa bansang Tibet.  Ang nakaraan ay lipas na, hindi na kailanman pa maibabalik.

Ang isang hindi ko pa nagugustuhan ay kung bakit pilit na nakikipag-ugnayan ang pamahalaan sa Moro Islamic Liberation Front.  At kung bakit din tinatangkilik ang mungkahi ng MILF para sa paghiwalay ng Bangsamoro sa Pilipinas.  Tandaan natin na ang MILF ay itinaguyod lamang upang maghasik ng lagim sa bansang Pilipinas.  Ang hangaring pagpapalaya ay isang pagbabalat-kayo lamang ng samahang itinatag ni Hashim Salamat, sa hindi natin malaman na dahilan.  Si Hashim ay humiwalay sa grupong Moro National Liberation Front(MNLF) na nagsusulong ng pansariling pagpapalaya sa ngalan ng kapayapaan at matiwasay na pag-uusap.  Ang MNLF ang tanging samahan na tanging kinikilala ng OIC(Organization of Islamic Conference) upang makipagkasunduan sa pamahalaan tungkol sa kapakanan ng mga Muslim sa Mindanao, samantalang ang MILF ay nagsisilbing terorista sa mata ng buong mundo hindi lamang ng Pilipino.  Ang MILF, kasama ng AL QAEDA at ng ABU SAYYAF, ang patuloy na nagpapatunay na walang ibang hangarin ang mga nasa likuran ng samahang ito kundi ipalaganap ang Islam sa pamamagitan ng karahasan.  Heto at may nagsusulong ng mga kapakanan ng mga tumatangkilik ng Islam sa mapayapang paraan tulad ng MNLF ngunit patuloy pa rin nakikisawsaw sa isyu ang ibang samahang halang ang kaluluwa at walang habas na naghahasik ng lagim hindi lang sa mga Kristiyano pati na rin sa kapatid nilang Muslim.

Ano nga ba ang tunay na isinusulong ng MILF?   At sino ang tunay na makikinabang?  Bangsamoro nga kaya?  Ang relihiyong Islam?  Ang kaharian ng Saudi?  O pati kaya ang Malaysia?

Kung ninanais ng mga Muslim ng otonomiya o ang pansariling pamamahala, hindi ko ito tututulan.  Marahil ito ang magiging ugat ng kapayapaan sa buong bansa, at pag-unlad ng mga bayan at mga lugar na pinabayaan ng pamahalaan sa loob ng maraming taon.  Maaari ding kabaligtaran ang mangyari.

Kung anu pa man ang magiging kahihinatnan ng isyu ng bangsamoro, mananatili pa ring basag ang relasyon ng mga Kristiyano at Muslim dito sa Pilipinas.  Mananaig pa rin ang dikta ng relihiyon para sa kapakanan ng kanya-kanyang grupo.  Pagbubuklurin pa rin ng pulitika at kultura ang bansa.  Pag-aalipusta pa rin ang pangunahing tingin sa isa't-isa.  Parang tubig at langis, mahirap paghaluin.

Hindi ako tutol sa pagsasarili ng mga Moro.  Pero dapat malinaw kung tunay na kalayaan ang isusulong nito, kung sino ang tamang magsusulong nito, at ang mga tunay na makikinabang nito.


The Rite of Passage

Category: By DuNi


We went to the hospital today, where my boy has just completed the usual “rite of passage”. The procedure, circumcision, done with pride by many young boys, is practically removing some of the foreskin in the penis.  I can see that there was no trace of nervousness in his part, since it was him who said he wanted to be a doctor someday so I guess he knows how to endure some pain.

We were relaxed while me and my son were waiting for the doctor within the Emergency Room in the hospital, even exchanging pleasantries with the pretty nurse attendant on duty…

NURSE: kapatid mo?
ME: hinde…
NURSE: pinsan?
ME: hinde…
NURSE: pamangkin?
ME: hinde… anak ko…
NURSE:  10 years old ka lang nung nagka-anak ka na!?
ME:  hahaha… hindi naman… 21 na ako nun…
NURSE: ilan taon ka na ba?
ME: 32 na…
NURSE:  hindi halata… mukha ka lang 25…

The conversation with the nurse ended as they prepped the room where they would circumcise my dear baby boy who was fast becoming a teen already.  I never told him how painful my experience so he just have to find out for himself how excruciating is to undergo this ritual. 

DOC: Ang laki nyan ah…(referring to the penis) ilan taon na siya?
ME: 10 years old doc…
DOC: laking bulas nya ah… (and then said these words to the male assistant) “...'tang kanaku kapitna ya mu ing size.."

I let out a laugh.  I think what he meant was that during the time he was circumcised his penis was half size of what he has seen in my boy.  I let out that laugh because I was in the same predicament with the doctor.  And I let out a laugh again as I saw three protruding pubic hairs already!  He is slowly becoming a man!  And I will miss all those times we were playing around, watching TV, bonding through PS2 and his Nintendo DS, playing in TimeZone G4 while in Manila, and watching our favorite movies over and over again. 

My boy is now a man… technically.  I felt a mixture of emotions as I came to realize that within the years to come there will be a change in his perception of things.  He might be less interested in the things we’ve done together throughout the years.  He will be venturing into an exploration and discovery of certain things, some of them would be done even without my knowledge.  It’s a sad thing to accept that our children starts to mature, but I have to accept that he is not a boy anymore, because even the squeaky voice is slowly starting to change into a baritone-ish noise.

My boy is now starting to become a man.

I guess I have to delete all my porn collections in my hard drive…


Sa Hirap...

Category: By DuNi


Ang pangalan niya ay Dessa.  Bente anyos.  Nagmakaawa lang siya na tanggapin sa pag-apply nya sa dito sa aming pinapasukang kumpanya.  Mabuti nga mabait ang nasa HRD.  Pumayag naman kahit na tanggapin siyang trainee lang.  Under-qualified siya talaga, at dahil hindi rin naman siya pasado sa qualifications, pumayag na kunin siyang trainee.  Allowance lang ang maibibigay, mababa sa inaasahang sahod, pero sa isip nya pwede na kaysa naman wala.

Masipag si Dessa.  Kahit hindi niya alam, pinipilit niyang matuto.  Maganda ang pangarap niya sa buhay.  Maiahon ang pamilya nya sa hirap.  Ang pamilya niyang iniwanan sa bayan ng San Felipe para makipagsapalaran sa siyudad.  Titiisin ang lahat para lang sa kakarampot na pera.

Nung una, ang akala ko ay nag-u-uwian siya sa kanilang baryo.  Aba, ang layo ng San Felipe kahit na isang byahe lang sa bus.  Aabot rin ng mahigit isang oras ang lalakbayin para makauwi at makita at maasikaso ang mga kaanak.

Malayo rin ang aming lugar kung saan kami nagtatrabaho.  Sa loob ng Economic Zone.  Nakakasabay ko siya lagi pag naghihitay kami ng company service sa labas ng gate ng Eco-Zone.  Nakakasabay ko siya sa byahe papunta sa aming trabaho.  Kahit papano naibsan ang gastusin naming mga empleyado dahil wala naman bayad ang service.  Tahimik din siya sa trabaho, napapansin ko.  Minsan nakikihalubilo, pero kadalasan sa mga gawain ang tuon. 

Isang gabing napaaga ako ng uwi at namamasyal sa labas ng Eco-Zone, napansin ko siya.  Naglalakad papalayo sa gate, marahil papunta sa sakayan ng jeep.  Isang bati lang, sabay paalam at tuluyang pumasok sa mall at ibinaling ang aking atensyon sa pamimili, may kailangan pang bilhin at kukulangin sa oras.  At pagkatapos magbayad sa pinamili ay sumakay na pauwi ng bahay, dahil nakuntento na at nabili na ang sariling pangangailangan.

Habang mabagal na binabaybay ng jeep ang daan pauwi ay nakita ko ulit siya.  Naglalakad.  Teka kanina pa siya naglalakad?

Ngayon ko lang napag isip.  Simula mall hanggang sa purok San Guillermo ang nilakad nya?  Mahigit na anim na kilometro din yun!  Bakit hindi siya sumakay? Kaya pala pilit niyang nilalakad ang kahabaan ng Magsaysay, hindi pala dahil umiikot ang jeep sa gilid ng Eco-Zone at mas maigsi ang paghihintay kung hindi iikot, kundi tuloy-tuloy ang lakad hanggang sa maka-uwi!  Hindi ko naisip na pati pala yung 7.50 na pamasahe ay tinitipid nya!

At ngayon ko rin napag-isip isip kung bakit ang mga meryendang ibinibigay sa kanya sa opisina ay itinatabi pa niya!  Pilit isinisilid ang mumunting siopao na bigay ni Emma sa bag nya kanina nung nasa opisina kami.  Pasalubong?  Naisip pa niyang pasalubungan ang mga kaanak at tiniis ang gutom.  Hawak na niya ang siopao na galing sa mumurahing bag na bitbit habang papasok sa isang maliit na barong-barong.  Teka, barong-barong?  At habang nag-iisip ako sabay sinalubong siya ng mga inaakala kong kamag-anak.  At nabigla ako ng marinig ko ang mga salitang ate, kapatid, anak, at inay...

Hindi ko mapigilan na mapaluha sa nakita ko.  Magkakasama pala sila sa maliit na barung-barong.  Sumunod ang pamilya niya at nagsumiksik sa maliit na lugar sa tabi ng ibang kamag-anak para hindi na siya mahirapan umuwi at mag-asikaso.  Ang nanay at ang kaniyang pito pang kapatid na musmos.  Panganay pala siya, kaya pala matindi ang pangangailangan ng trabaho.  Pero hindi inalintana ang layo ng lalakarin, at palaging titiisin ang hindi kumain, ang matulog sa pira-pirasong karton na nakalatag sa sahig ng maliit na itinuturing nilang tahanan.  Ako ang naluluha habang sila naman ay nagsasaya sa pagdating ng nag-iisang tao na pilit tumutulong upang makaahon sila sa kahirapan…

Naluluha ako… Habang nasusunod ang kung anu-anong luho ng katawan ko pero pagkatapos ng lahat, nababalot pa rin ng lungkot na matagal nawawala.  Mahal ang nabili kong pampaganda sa sarili ko, samantalang si Dessa ay pinipilit inuuwi ang lahat ng perang natatanggap na allowance linggo-linggo.  Pambili ng pagkain, damit, gamot, at ang natitirang pera ay itatabi upang may mahugot kung sakaling may problemang makasalubong sa araw-araw na pakikipagsapalaran sa buhay…

Naluluha ako…  Dahil alam kong mas masaya siya sa akin sa kabila ng lahat…

Saranggola

Category: , , By DuNi


Lahat tayo ay may pangarap.  Lahat tayo ay nangarap ng magandang buhay sa hinaharap.   Halos lahat tayo ay nag asam na maabot ang pinaka rurok ng ating minimithing pangarap.  Kung si pepe ay nagnais ng isang saranggolang mataas lumipad, marahil ang ating mga pangarap ay maihahalintulad sa isang matayog na saranggola, na pilit inaabot ang pinakataas-taasang lugar ng kalangitan.

Sabi nga sa isang kanta… libre lang mangarap. Marahil ito ay isa sa mga dahilan kung bakit ang mga musmos na bata ay walang hangganan ang mag asam ng mga bagay na ninanais nila.   Walang hanggan na paghiling sa mga bagay na iniisip nating magpapasaya sa atin sa pagtuntong sa hinaharap.

Pero hindi sa lahat ng oras ay nangangahulugan na magtatagumpay ka sa inaasam mong paglipad ng mataas.   Hindi sa lahat ng pagkakataon ay makakamit mo ang hinihiling mong pangarap. Kung sakaling man na mayroong taong narating ang tuktok ng tagumpay, marahil ito ay sa matinding pagsusumikap, dedikasyon at patuloy na pagharap at pakikipagsagupa sa lahat ng mga bagay na pumipigil sa kanya.   Maari din na tangayin ng malakas na hangin ang taas ng inaasam mong saranggola hanggang sa dumating ang oras na hindi mo na sya masulyapan at abutin.   Nawawala rin sa isang iglap ang mga pangarap, parang bula, kung ito'y masyadong mahirap abutin dahil sa sobrang taas ng ating pag-aasam.  Pabago-bago rin ang ihip ng hangin, na maaaring magbigay ng posibilidad na mapadpad ang ating mga pangarap at liparin sa ibang lugar upang tuluyan nang mailayo at hindi na natin pa muling makamtan.

Mataas ang lipad ng saranggola.  Yan ang inaasam ng kahit sinong batang nagpapalipad ng saranggola nila.   Yan din marahil ang inaasam ng sinumang taong nangarap ng magandang kinabukasan para sa kanilang sarili.  Isang pangarap na marahil ay maaaring sa unang pagkakataon pa lang ay hindi na lumipad, o kaya'y hindi umabot sa inaasam na taas at biglang bumulusok pababa sa lupa dahilan ng isang pagkakamali, o marahil ay tangayin upang hindi na muling makita pa.   Kung ano man ang kahihinatnan ng ating mga sariling saranggola, nasa pagsisikap natin kung papano natin paliliparin ito ayon sa gusto nating maabot na langit...

Muling Pagkikita

Category: By DuNi


bumabalik ang alaala ng nakaraan
nung panahon na karamihan satin ay mangmang
ang mga araw na halos hindi mapantayan
mga pagtitipon na hatid ay kaligayahan

sa mga karanasang nagpa-alala ng lahat
mula sa pagkabata hanggang magka-edad
di mapigil maluha sa sobrang galak
sa mga pinagsamahang walang ibang katapat


nangingiti lagi pag naaalala ang mga laro
ang mga pagkakataon na inabot ng hapo
ang madilim na ulap na minsang sinuyo
nagdasal ng taimtim para ulan ay lumayo


ang samahan ng lima sa paglipas nadagdagan pa
magpipinsan sa dugo sa laro ay nagkaisa
mga problema sa paligid ay hindi inalintana
basta't magkakasama at parating masaya


ngunit kadalasan ang panahon ay malupit
pinaghiwalay ng tadhana ang magkakasanggang-dikit
ang larong masaya ngayon ay kay pait
sa desisyon ng iba na lumayo nang pilit


umaasa madalas sa sulat at pangungumusta
mga kwento, larawan, at hatid na balita
sa munting pasabi ibinabalik ang ligaya
lungkot ay nawawala, pinapalitan ng tuwa


kung maaari lang sanang ibalik ang nakaraan
sa mga panahong sagana sa laruan
sa masasayang araw kahit na tag-ulan
sa mga oras na nagsalo sa hapag-kainan


umaasa ako na lahat tayo'y magkikita pa
ibabalik ang panahon ng matatamis na alaala
ang pagiging malapit bubuuin muli ng isa't isa
sa gitna ng pagkain, pulutan at serbesa




Patintero

Category: By DuNi


hindi kita pakakawalan
lagi kang babantayan
subukan mo man lumusot
sa guhit na gawa ng imahinasyon
at tumakbo papalayo sa piling ko


haharangan kita
sa abot ng makakaya
pilit kang ikukulong
sa apat na sulok ng mundo
na iniikutan ko


kung magpumilit ka
sisiguraduhin ko
magbabanggaan ang ating mga sulyap
kahit na ikaw ay makiusap
pagmamatigas ang aking ihaharap


ang sarili ko
sayo lang nakalaan
kung nakatingin ka man sa hinaharap
maging balakid man ang aking katauhan
at pilit na binabalewala


kung maka alpas ka man
sa harang na likha ng katha
susunod ako
sa guhit na ginagalawan ko
masiguro lang ang paghabol sayo


at kung sakaling bumalik ka
haharangin ka pa kaya?
kung ang puntirya mo
ang dumaan lang muli sa harap ko
at tuluyan nang lalayo...


paano ba ito?
hindi naman ako pwedeng magpatalo
kaya hindi kita pakakawalan
hindi ko na hahayaan
puso ko'y muling masaktan