Sermon sa sarili
Punyeta naman eh.
Andaming paraan para magpahangin naisip mo pang mag-basketbol. Alam ko may bumabagabag sa isip mo ngayon pero maraming paraan para ma-refresh ang utak bukod sa sugal, alak, at agogo dancer sa tanghali. At dahil wala kang magawa, at hindi ka rin naman pwedeng lumayo sa harap ng PC mo eh sinubukan mong ma-exercise ang butu-buto mo sa pamamagitan ng paglalaro ng basketbol.
Ayan tuloy naaksidente ka! Sukat ba naman mag-feeling Dennis Rodman ka. Alam ko naman na may talento kang konti sa basketbol bukod sa pang-aasar sa kalaban tuwing may intrams, pero wag naman yung todo bigay ka, tulad ng nangyari kanina. Anong resulta? Tumalon ka at bumagsak ka na una ang pwet at siko. Walang problema sa pwet mo, cute pa rin kahit maitim. Kaso yung siko mo namamaga. Hindi mo masyadong maigalaw noh? Ayan kasi, sinabi ko naman sayo na nag-iisa lang ang Jordan sa mundo, wag mong gayahin ang lundag niya.
Hatinggabi na hindi ka pa rin makatulog sa kirot? Kasalanan mo yan. Sa tingin ko hindi ka na makakapaglaro, malamang habambuhay. Damaged goods ka na. Nung elementary ka namaga yung mata mo dahil tinamaan ng bola ng baseball. Tanga ka kasi hindi mo nasalo ng maayos, praktis pa lang yun. Nung hayskul ka at nadapa ka sa soccer game niyo sa eskwelahan at tumama ang tuhod mo na hindi na naayos at laging kumikirot tuwing taglamig, dun pa lang wala ka nang karir sa sports. Nung nag darts ka nung college napilayan ka rin sa kamay. Hindi ka pwede sa swimming lagi kang pinupulikat. Hindi ka rin uubra sa track and field may hika ka dati eh. Ewan ko ba kung bakit takaw aksidente ka sa laro.
Bukas magpahilot ka. Ipaayos mo yan bago ka maging komang. Nang hindi ka rin ngingiwi-ngiwi sa kirot habang nasa lamay ka.
Tumigil ka na rin... Hindi para sayo ang basketbol...
haha natawa ako dun sa
"tumigil ka na rin... hindi para sayo ang basketball..."
konting massage lang yan..akina!
hahahahah!!!
kahit kelan di ako nahilig sa basketball.
basketball sa banyo..nahiligan ko. :p
joke lang yan..
lalagay nya yung kandila sa mainit na tubig
tapos maghahanap ng kung anong shape ang mabuo
tapos gagawa ng kwento ..at yun ang dahilan ng pilay mo
then bigyan mo na lang ng 50 pesos.totoo yun.
yung HILOT di yan totoo.
wala akong pang x ray hahaha tsaka malayo magpa xray dito sa bukid...
yung hilot sa kabilang kanto lang...
alam ko ung basketbol mo ung shoot muna bago dribol...
text mo ko mamaya sasabay ako sa inyo...
sarcastic pala ako magsermon ngayon ko lang na-realize...
hindi eh,bukas n bukas..lilipat ng bahay ang kagandahan ko..baka gusto mo kung samahang mag impake:P ng mabinat ang ugat n yan:))
kuya du, pagaling ka... pachek up mo yan...
pang massage sa ugat?=))
nanonood ako ng THE PASSION OF THE CHRIST...
kaya kong tiisin ang sakit harharhar...
mahirap yan...bata k pa..lalala yan pag tumanda ka na:P
Wag ka na sa sports, tutok ka nalang daw kase sa pagshoshow sa internet atleast dyan walang mapipilayan sa iyo. :p haha.
isa isa lang mahina ang kalaban...
pagaling ka, kuya!
isinumpa daw yun eh...
pampasira ng ending at pampaiyak kay taulava hahaha...
pwede pa ulet mag basketbol...
magtatayo na lang ako ng court na kasinglaki ng tennis ball para safe...
yung may namatay o yung basketbol na bola ng tennis ball?
no evidence of fracture nor dislocation, joint spaces are intact, no other findings...
in short, ayos ang buto-buto... kaso namamaga pa rin tapos hindi ko pa fully maigalaw... pero pwede naman siya gamitin pang type hehehe...
siniguro ko munang walang problema sa buto kaya hinintay ko muna resulta ng xray...