Paalam... Kaibigan...

By DuNi


Nakakalungkot isipin na wala ka na.  Ang pagkakaibigan natin na nagsimula nung pare-parehas tayong nasa graveyard shift.  Nagkakilala dahil ayaw magpadalaw ng antok dahil sa maselang oras ng trabaho noong taong 2002.  Pagkakaibigang maraming dinaanan, andyan yung pag gimik tuwing byernes noong panahon na barya lang ang limandaang piso na ibabawas sa mga sweldo natin para makapag-inuman, ang palitan ng mga collection ng anime’s, ang pagtuturo ng ibang kaalaman sa pag-aayos ng PC, ang pang-aasar sa chatroom at marami pang iba.  Para sa amin, naging makabuluhan ang mga naibigay mong kasiyahan at panahon sa aming lahat.


Gulat ang lahat sa pagpanaw mo.  Hindi masukat na kalungkutan ang nadarama kahit alam ng lahat ng pinagdaanan mo nitong mga nakaraang taon dahil sa iyong karamdaman.  Pinilit naming ipadama ang pagsuporta upang labanan ang sakit na nararamdaman mo.  Hindi man kami araw-araw dumadalaw, narito kaming lahat para samahan ka sa pag-ahon sa matinding pagkakaratay.

Sa isang tunay na Kaibigan na tulad mo, biglaan man ang iyong pamamaalam, mananatili ka pa rin sa puso ng Opismeyts…

The Opis is where the heart is, and you are inside our hearts… forever…


Paalam Kaibigang Niño


28 comments so far.

  1. Enrico Dc March 11, 2009 at 12:46 AM
    condolence
  2. Suyin Mei Agustin March 11, 2009 at 1:06 AM
    condolence kuya duni
  3. Genesis Paredes March 11, 2009 at 1:43 AM
    im really sorry to hear about this...
  4. macoy diaz March 11, 2009 at 1:51 AM
    condolence brad..
  5. *oclei * March 11, 2009 at 2:22 AM
    condolence po
  6. Ghing Saging March 11, 2009 at 2:30 AM
    condolence po kuya.
  7. applepie puffs March 11, 2009 at 3:00 AM
    may he rest in peace.
    condolences duni.
  8. Mary Grace Yap March 11, 2009 at 3:47 AM
    condolence..... :(
  9. Nats Collado March 11, 2009 at 4:17 AM
    duni sinong nino yan?
  10. jHoIe` Gagarin March 11, 2009 at 4:18 AM
    sad naman.. condolence po..
  11. abhie :) March 11, 2009 at 5:37 AM
    sorry for this, condolence...my prayers goes to u and ur friend
  12. edgar melecia March 11, 2009 at 7:00 AM
    condolence...
  13. aBs BuRcE March 11, 2009 at 9:19 AM
    Si Nyok ang taong kahit masakit na ang nararamdaman, hindi padin natin siya nakitaan ng kahinaan, ngiti padin ang isasalubong sa iyo.

    Hayyy. :(
  14. DuNi @ March 11, 2009 at 9:39 AM
    si vash ng Opismeyts...
  15. Certified Maldita March 11, 2009 at 9:42 AM
    bakit kc may mas mga taong dapat mamatay di pa sila. bakit isang katulad pa nya. :( kuya donnie, ang hirap talaga pag mabait, agad kinukuha ni Lord.
  16. neth neth pineda March 11, 2009 at 9:44 AM
    condolence
  17. *- donna may -* March 11, 2009 at 9:47 AM
    condolence po..
  18. Babaeng Macho *-* March 11, 2009 at 9:55 AM
    "...we lived here like strangers and make the world not a house, but an inn, in which we sup and lodge, expecting to be in our journey tomorrow.."

    condolence to all the opismeyts and to his family.
  19. ' JEEANursey ' March 11, 2009 at 10:18 AM
    condolence kuya..
  20. eve ~ March 11, 2009 at 10:50 AM
    condolence... may he rest in peace... prayers for his soul and his family!
  21. Philip Mariveles March 11, 2009 at 12:02 PM
    Plorwaks... Masakit talaga kapag namatayan ng matalik na kaibigan... ung kaibigan ko nabiktima ng big C at nauna na nung Nov. 20, 2008 :( :(
  22. Trueasiatik Badong March 11, 2009 at 5:08 PM
    Paalam Nyok! a.k.a. Vash Stampede.
    patawarin mo ko pilit kitang pinatikim ng Sisig
    nung nasa Metrowalk tayo.bawal pala syo
    :(( kakalungkot mawalan ng isang magaling at mabait na kaibigan.

    Si NYOK ang gumawa ng Banner and gumawa ng Vector na picture ko

    http://nyokster.multiply.com
  23. Trueasiatik Badong March 11, 2009 at 5:12 PM
    Kaya nga ilang beses ako nakikipag talo sa inyo
    di ako naniniwala.

    ewan ko kung may nakaka kuha ng pinagtatalo ko lagi.

    marami akong naging mga kaibigan at nakilala
    na mabubuting tao...masama ang nangyayari
    at maraming masamang tao.mabuti ang nangyayari.

    kaya lang lagi akong talo sa debate,
    kasi madali lang akong talunin sa Pilosopong
    sagot ng mga naniniwala sa Karma.
  24. irene galang March 11, 2009 at 6:42 PM
    Alam ko sobrang affected ka Donnie dahil sobrang close kayo ni Nyok. Ang sabi nga ni Jill dati, mas sweet pa kayo kesa sa kanila ni Jeric nung nagpunta kayo sa Tigtigan.

    Mejo nagsisisi lang ako, kasi nakita ko syang online mga Feb ata, pero hindi man lang ako nag-pm sa kanya...nagpatalo na ko sa antok ko that time dahil sa puyat sa anakis ko. Sayang, sana kinausap ko sya nun....sayang talaga.. :( :( :(
  25. DuNi @ March 11, 2009 at 8:27 PM
    haha niaasar mo yata ako... sina jill at jeric dumiskarte nung nag tigtigan kami...
    niyayaya namin mag inuman ayaw at may pupuntahan daw sila ewan ko kung anong ginawa nilang dalawa...

    pero syempre kahit papano nakakalungkot kasi si nyok ang close ko dito sa pampanga... ang layo ng bahay nyo tsaka ni jill hindi rin kayo pwedeng istorbohin... tsaka hindi kayo masyadong mahilig sa anime... hentai gusto nyo eh... ninong dapat si nyok dun kay EJ na dinalaw nyo noon 2003 sa bahay... at ginawa ko rin siyang ninong ng bago kong baby kasi sabi ni eddon para daw maraming anime lagi...
  26. lei miclat March 15, 2009 at 11:01 AM
    naalala ko tuloy yung samahan natin... nagpapaumaga na tayong tatlo...
  27. DuNi @ March 17, 2009 at 9:19 AM
    hindi ko alam yan... deny deny... hahaha joke...

    naaalala ko na lalo yung ihahatid ka sa bahay nyo tapos biglang tatakutin kami kasi mamamatay yung ilaw sa poste!!!
  28. Maria Aurora March 30, 2009 at 1:48 PM
    condolence....bye Nyok..

Something to say?