Reformat

Category: By DuNi

Bagong reformat ang PC ko.  Ugali ko na ang magre-format ng computer ko kapag nagkaka-problema.  Sa loob ng isang taon halos dalawang beses ako nagre-reformat.  Minsan nga lang hassle lalo na kapag yung mga importante mong files eh hindi mo mai-save.  Para saan nga naman kung yung mga naka-save mong dokumento, pictures, o kahit music files eh hindi mo maise-save diba?


Matinding virus, simpleng worm, o kahit ano pang defect(hardware o software), hindi ko na hinahayaan pang lumala at umabot sa puntong mag-crash.  Hindi naman siya mahirap gawin.

Fresh start, kumbaga.

Mabuti pa ang PC.  Isang format lang ang katapat.  Kasalungat ito sa buhay ng tao.  Kahit anong problemang dumarating sayo, hindi ka pwedeng mag fresh start.
 
“The past will always come back to haunt you.”
 
Hindi mo pwedeng sabihing kalimutan na ang lahat.  Kasi ang ibang tao pa rin naman ang magpapaalala sayo.  At minsan yang ibang tao na yan ang manggagatong at magsusulsol para masira ang anumang kumpiyansa mong suungin ang anumang pagsubok na kinakaharap mo.

Mabuti pa ang PC.  Nakukuha sa mga anti-virus, Registry Mechanic, at kung anu-anong spyware detector at remover.  At ang worst case scenario eh ire-format ang bumabagal mong system.

Clean slate.

Malinis lahat.  Tanggal ang anumang sanhi ng pagkakagulo ng functionality nito.   Tanggal ang anumang hindi kaaya-ayang data na nakadikit sa memory.  Mas mabilis pa at mas maayos kesa sa dati.

Mabuti pa ang PC, madaling maka-recover sa oras na magka-problema.

Sana ang buhay parang PC, madaling ire-format.

3 comments so far.

  1. Heart Escalona June 23, 2010 at 1:29 PM
    i agree! sana may Ctrl + Alt + Del at Alt + F4 din sa real life.
  2. Certified Maldita June 24, 2010 at 9:53 AM
    if only kuya, pero di ganun e :(
  3. Evey Les June 24, 2010 at 4:30 PM
    haaayyy isang malalim na buntongm hininga! tama kayo jan.. kung sana nga ganun lang...

Something to say?