Ahedres

Category: By DuNi

Si Rizal ay mahilig maglaro ng chess.  Filipino ang unang Asian Grandmaster sa Chess.  At usapang chess ang napipinto nating talakayin ngayon.

Maraming naghihikayat kay Noynoy na tumakbo bilang presidente sa 2010, kabilang dito ang mga alagad ni Gloria na gusto lamang guluhin ang Partido Liberal.  Chess move.  Si Lito Atienza nag-iingay na siya raw ang dapat sa LP.  Chess move.  Nagdesisyon si Mar Roxas na suportahan na lang si Noynoy para maging stand bearer ng Liberal party.  Chess move.  Hinihintay ngayon ang desisyon ni Noynoy ukol sa pagtakbo sa 2010.  Awaiting chess move.  Kung sakali man tumakbo si Noynoy, labanan ng magpinsan ang lalabas, si Noynoy sa LP at si Gilbert Teodoro sa Lakas-Kampi.  Stalemate.  Kahit papano, nag backfire ang istratehiya ng mga demonyo sa Malakanyang.  Stalemate!

Sa ibang dako naman, si Japeth Aguilar ay nagdesisyon na mag backout sa PBA.  Chess move.  Masama ang loob ng Burger King upang balakin nitong i-propose ang lifetime ban kay Japeth.  Chess move.  Balak mag miting ang Board of Governors upang talakayin ang posibleng commitment ulit ng PBA sa FIBA.  Chess move.  Ang desisyon ni Japeth na maglaro sa National Team ay tinututulan ng isang kapitalistang gahaman na katulad ni ginoong Lito Alvarez.  Chess move.  Ngunit hindi natitinag ang kagustuhan ni Japeth na maglaro para sa Bayan.  Check mate! Panalo ang bayang Pilipinas…

Ngayon, sino ang makakapagsabi na “politics and sports don’t mix”?


6 comments so far.

  1. linsi linsi September 2, 2009 at 12:28 AM

    Nice parallelism a! Noynoy Aquino for President? susubaybayan ko to ^__^
  2. Philip Mariveles September 2, 2009 at 1:15 AM
    Naulit ang Chess move nung 1986: si Chino Roces ang naghikayat at nangalap ng pirma para tumakbo si Cory at vice nlng si Doy Laurel.. ngayon, kasama nman ang anak ni Chino Roces na naghihikayat at nangangalap ng pirma para si Noynoy ang patakbuhin ng LP...

    Mapunta nman tayo kay Japeth... Binitawan ng BK si Arwind Santos para makatipid sila at masigurado nila si Japeth sa tamang presyo. Nag-backfire sa pinaka-mamahal ng bise-gobernador ng pampanga ang istratehiya at nilayasan sila ni Japeth..

    PS: Dahil araw-araw ko syang nakikita sa opis at ilang metro lng ang layo namin sa kanya... Isa na namang yugto para sa pamilyang Aquino ang pag-atras ni Roxas para kay Noynoy, lalong liliit na ang tyansa para kay Jiggy Cruz (pamangkin ni Noy) na maibalik ang kanyang pamumuhay bilang isang pribado.
  3. ~Pebbles ExAlembong September 3, 2009 at 7:51 AM
    Applause!
  4. Evey Les September 4, 2009 at 12:14 PM
    haayy ano pa nga ba? wala bago! kalokah mga tatakbo!! d mo naman malamn kung sino talaga ang totoo at ung talagang concerned na sa Pinas..hindi ung plastic at feeling concerned lang.. good luck sa eleksyon! goodluck sa pinas!
  5. ronel astor September 18, 2009 at 8:11 PM
    magaling^^
  6. si pia ay otes January 30, 2010 at 2:57 AM
    at ngayon ko lang to nakasalubong, where was i? ;)

Something to say?