Ang pinakamagagandang babae sa balat ng lupa ngayong taon

Category: By DuNi

Dahil sa overhype na nalilikha sa mga constestant ng Pilipinas tuwing sasapit ang Miss Universe pageant, pinagtyagaan kong manood ng live broadcast nito kesa naman manood ako ng labanan ng mga maskuladong nagpapanggap na kalalakihan na karamihan ay naka spandex at felix bakat ang drama - ang Summerslam wrestling.  Mas gusto ko ang ligaya na inihahatid ng mga bakat ng mga swimsuit ng mga constestants sa Miss Universe, kahit alam kong walang binatbat taun-taon ang mga representante ng Pilipinas.

Hindi ko nakasanayan na maniwala sa mga bayarang kolumnista na buong pugay nagbabalita sa mga pahayagan ang malaking tsansa ng ating kinatawan sa tuwing darating ang oras ng patimpalak.  Taon-taon malaki ang pag-asa ng ating kinatawan, taon-taon din hindi naman nakakalusot sa semi-finals.  KANINA, MUNTIK NANG MAKAPASOK SA TOP 15 ANG ATING PAMBATO.  AKALAIN MO UNANG TINAWAG NA PUMASOK SA TOP 15 ANG MISS PUERTO RICO.  MUNTIK NA TAYO DAHIL KATABI LANG NATIN ANG MISS PUERTO RICO SA ALPHABETICAL LISTING NG MGA KALAHOK.


Parehas ng basketbol ang problema natin sa Miss Universe.  Kulang sa height at achievements ang ipinapadala natin.  Hindi naman natin pwedeng sabihin na kung sa utak lang eh may panlaban tayo.  Mga ineng at totoy, hindi naman mga bobo ang constestants ng ibang bansa.  Napapansin ko na halos lahat ng mga pumapasok sa top 15 eh mga achievers na, may mga graduate na sa kolehiyo at nagpapraktis ng kaninang propesyon, mga mga nag aaral pa, at meron ding kilala na sa mundo ng modeling. Wag nating ikumpara ang pagkapanalo ni Gloria Diaz sa bawat taon na gaganapin ang Miss Universe pageant.  Nanalo si Bb. Gloria Diaz hindi dahil sa talino kundi dahil maayos ang kanyang pagkakasagot.  Para sa sakin, insulto ang sabihin nanalo ka sa Miss Universe dahil sa talino mo.  Una, hindi naman quiz bee ang Miss Universe pageant, at ikalawa, pinalalabas nitong mga bobo ang mga kalaban mo, na no bearing contest ang magiging resulta.  Deserving manalo si Bb. Gloria Diaz dahil deserving ang kanyang isinagot!

Hindi naman masama mangarap.  Baka sa hinaharap eh manalo na ulit tayo at tanghaling pinakamagandang babae sa buong mundo ang ating kababayang Pilipina.  Siguro kapag natuto na tayong tumingin sa kakayahan at hindi sa hitsura.  Siguro kapag kahit hindi marunong mag English basta may kakayanan naman eh ikukuha na lang ng interpreter.  Siguro sa tamang pagkakataon.  Siguro tamang pagkakaintindi ng tanong(high tide or low tide???).  At siguro, sa tamang pagsagot.

12 comments so far.

  1. Genesis Paredes August 24, 2009 at 4:37 PM
    i totally agree on this...
    lalo na sa third paragraph... hehehe!!

    tama, kung matalino ka... join battle of the brains!! lol
    wag sa beauty pageant!!
  2. Philip Mariveles August 24, 2009 at 5:25 PM
    Janis, wala ng battle of the brains nalugi na kasi ung sponsor nila ung Uniwide... hehehe... pwede siguro sa Pinoy Henyo! I remember pinagtanggol kopa si Janina San Miguel...
  3. - Barry - August 24, 2009 at 10:33 PM
    I really hate it when the journalists (yung mga kababayan natin na grabe mag overhype) play it as if mananalo talaga. Hindi nakukuha sa lakas ng palakpak sa pre-pageant ang pagpasok sa Top 15. It's hardwork. it's marketing. Katulad ng ginawa ni Miriam Quiambao noong 1999. Alam niyang magaganda at malalakas sina Miss Venezuela, at iba pang Latina. kaya kung nasaan sila, pumunta din si Miriam. Exposure baga. Para mapag-usapan. Nasa pagdadala. Nadapa na at lahat, tayo pa din.
  4. Certified Maldita August 24, 2009 at 10:35 PM
    kasi daw may palakasan din sa Binibining Pilipinas eh. kumbaga pag di ka malapit sa kamay ng diyos nila, wa ka pag-asa. ayan tuloy ano nangyayari. pero in fairness, di ba may naging Miss Philippines na na lawyer.
  5. Glam Chic * August 24, 2009 at 11:37 PM
    MUNTIK NA TAYO DAHIL KATABI LANG NATIN ANG MISS PUERTO RICO SA ALPHABETICAL LISTING NG MGA KALAHOK.
    - hahahaha.. ang kulit mo!!!
  6. DuNi @ August 24, 2009 at 11:42 PM
    lagi naman ganyan. laging may pag-asa sa publicity. pag actual pageant na, laglag na. siguro kung may bearing yung online voting baka sakali pa.
  7. DuNi @ August 24, 2009 at 11:44 PM
    tama naman ako diba? muntik na talaga tayo! pano kung Ms. Philippines yung nakatayo sa pwesto ng Ms. Peurto Rico, pasok tayo malamang!
  8. DuNi @ August 24, 2009 at 11:49 PM
    sa tingin ko, mas maganda yung requirement sa Bb. Pilipinas gawing college degree holder na... mas maganda nga kung lawyer kasi magaling mag analyze ng questions ang mga yan... kaya nila sagutin ang mga tanong sa Miss U to their advantage...
  9. ~Pebbles ExAlembong August 25, 2009 at 9:42 AM
    I agree!

    Overhype talaga kaya madalas nauudlot. :(

    Remember Ms. Evangeline Pascual? Sumasama sya talaga sa group kung saan magStand out ang beauty nya.

    Kaya kinakarir ng Venezuela beauties ang Ms U kasi "tax exemption for life" daw ang incentive ng government nila?
  10. DuNi @ August 25, 2009 at 9:53 AM
    dito kasi sa atin ang ibinibigay ng gobyerno eh SEX incentives lang... binubugaw lang sa mga pulitiko minsan ang mga beauty pageant contestants..
  11. * Aj Folks * August 26, 2009 at 2:59 AM
    Abscbn is exaged.fave daw ung philippines.
  12. DuNi @ August 26, 2009 at 7:23 AM
    paborito naman lagi ang mga Filipina ng mga foreigner... hehehe

Something to say?