Our Scam of the Month...

By DuNi
Rating:★★★★★
Category:Other
Dahil sa patuloy ng paggawa mga scam ng ating mga MAGAGALING na OPISYALES... eto naman po ngayon ang SCAM of the MONTH... dahil boring ang gobyernong Arroyo pag walang SCAM...

MANILA– Sa tamang lugar at panahon, marami pa umanong isisiwalat ang babaeng junior officer ng Philippine Navy tungkol sa iregularidad sa paggamit ng pondo sa 2007 Balikatan Exercises na kinasasangkutan ng mga opisyal ng militar.

Sa panayam ng GMANews.TV nitong Miyerkules, sinabi ni Lieutenant Senior Grade Nancy Gadian na hindi lamang si Lt. Gen. Eugenio Cedo, dating hepe ng Western Mindanao Command (Westmincom), ang nakinabang sa P46-milyong pondo sa joint military exercises ng Pilipinas at United States noong 2007.

“Mayroon din matataas na tao. Pero sa tamang panahon ko po sasabihin. Isa lang ito sa mga pangyayari sa loob. Kapag dumating ang panahon malalaman ninyo," pagtiyak ni Gadian.

Sinabi ni Gadian na si Cedo pa lamang ang kanyang pinangalanan dahil ito umano ang dahilan kaya siya iniimbestigahan ng Separation and Efficiency Board (SEB) ng Navy.

Ang imbestigasyon ng SEB kay Gadian ay bunga ng alegasyon ng kanyang mga pinuno sa pagwaldas ng P2.3 milyong pondo ng Balikatan na ibinigay sa kanyang unit.

Si Gadian ang pinuno ng civil military operation sa tatlong command post sa Zamboanga del Sur, Sulu at Cotabato sa isinagawang Balikatan 2007 mula Pebrero 1 hanggang Marso 16.

Iginiit ni Gadian ginamit niya ng tama ang naturang pondo para sa kanyang grupo. Nagsumite na rin umano siya ng liquidation report sa Camp Aguinaldo na karamihan ay gastusin sa komunikasyon.

Sinabi ng opisyal na hindi siya nagreklamo kahit P2.3 milyon lang ang pondong ibinigay sa kanya, gayung batid niya na P4 milyon ang dapat na inilaan sa kanyang unit.

Kung mayroon umanong naglustay o “nagbulsa" sa pondo ng Balikatan, itinuro ni Gadian si Cedo.

“I have documents to prove na ang pagkakasabi sa amin, naisulat ko ito, is that about 4 million would be used to support the CMO event," ayon kay Gadian.

Kabilang umano sa mga alegasyon laban kay Gadian ay ang malulo nitong pamumuhay at pagsuway sa kanyang mga opisyal.

“Ginastos ko raw at extravagant ang living ko at lavish ang spending ko," ayon kay Gadian. “Ni wala akong Palasyo. Hindi ako nagkaroon ng RAV-4 at ibang sasakyan."

Idinagdag niya na maging ang mga testigong iniharap ng prosekusyon ay pawang pumanig sa kanya.

“Sobra na ang pang-aapak sa iyo kung alam mo namang hindi tama ang binibintang sa ‘yo kahit bata iiyak… Ang haba ng agony ko," pahayag ni Gadian.

Sinabi naman ni Lt. Col. Romeo Brawner, pinuno ng public information office ng AFP, na si Gadian ang dapat na magpaliwanag sa paggamit ng pondo batay sa kinakaharap nitong imbestigasyon sa SEB.

Mas malaking anomalya

Sa ngayon, sinabi ni Gadian na sa P2.3 milyong pondo pa lamang ng CMO siya maaaring magsalita dahil ito ang halaga na kanyang hinawakan.

Pero naniniwala umano ang junior officer na marami rin iregularidad sa P46 milyong kabuuang pondo na inilaan sa Balikatan noong 2007.

“For sure, may nakinabang din doon," ayon kay Gadian na nagpahiwatig na posibleng may mga iregularidad din sa paggamit ng pondo ng iba pang naunang Balikatan exercises.

Nagpahayag din ng pagkabahala si Gadian para sa kanyang mga anak – isang 13-ayon na lalaki at 11-anyos na babae, matapos malaman na minamanmanan sila ng militar.

“Bakit nila ginagawa iyon sa mga anak ko. Isa ito sa pamamaraan nila ng pangha-harass," reklamo ni Gadian.

Ikinalungkot naman ni Navy Spokesman Lt. Col. Edgardo Arevalo na lumabas na sa media ang sigalot na kinasasangkutan ni Gadian na dapat umanong panloob na usapin ng militar.

“It is just unfortunate na sa media niya sinabi ito… that she had to ventilate her grievances through the media. [But] she has served the Navy for 12 years. So being an officer, we know that she understands what she is saying and she knows [and] she appreciates the repercussions of what she’s saying," ayon kay Arevalo.

“We urge her to come out in the open, formalize her complaints, adduce evidence, attach documents that would substantiate her complaint or her claims or corruption and then the Navy is wiling to help her clear her name," idinagdag niya.

Inihayag ni Arevalo na naghain ng kanyang resignation letter si Gadian noong Abril 16 – ilang linggo matapos niyang isiwalat ang umano’y anomalya sa pondo ng Balikatan ngunit hindi pa tiyak kung naaprubahan na ito ng liderato ng AFP.

Pasok ang Senado

Nais naman ni Sen Rodolfo Biazon, chairman ng Senate defense committee, na imbestigahan ang isiniwalat ni Gadian na malaking dagok umano sa imahe ng AFP.

“Kailangan magpaliwanag ang pamunuan ng AFP sa naturang eskandalo. Magsusumite tayo ng isang resolusyon upang imbestigahan ang ibinulgar sa Balikatan exercise," pahayag ng senador.

Sinabi naman ni Gadian na kukonsultahin niya ang kanyang mga abogado kaugnay sa posibleng pagharap at pagbibigay ng impormasyon sa gagawing imbestigasyon ng komite ni Biazon.

“Lahat ng nag-offer naa-appreciate namin. Pero hindi ko pa alam kung kaninong ahensya ako tatakbo at kung kanino ako magtitiwala," pahayag ni Gadian.

GMANews.TV

8 comments so far.

  1. Badong Trueasiatik May 14, 2009 at 1:58 PM
    totoo ba ang kulam?

    Kelan ba makukulam si Gloria at ang mga corrupt officials ng Pilipinas
  2. linsi linsi May 14, 2009 at 2:00 PM
    Yan na nga.! Nakakataka kung bakit ang insurgency sa Mindanao e hindi natatapos- actually ang mga muslim ay minority lang dun, lalo na ang mga muslim extremists, di hamak na mas llamado ang AFP samahan pa ng training at pondo ng mga Kano.

    Lumalabas na pag walang moro-moro sa Mindanao between our own AFP and the Muslim Extremists, walang sarsuela, at mawawala ang mga military funds na dumadating para sa gobyerno, isa pa after the trainings and exercises, ang mga military weapons, etc pahingi na sa gobyerno iniiwan na sa atin.


    Ang ganda nga naman ng senaryo, so dapat hindi natatapos ang drama sa Mindanao para laging may dumadating na pera at weaponry na tulong galing sa ibang bansa.

    Isa pang drama ay ang ilang mga politikos at opisyales na tumatanggap naman ng pabuya sa mga muslim extremists- hati hati sila sa pera
    pag may ransom- may komisyon ang ilang opisyal (mayor etc ng pamahalaan dun )

    ( hanapin ko yung article about this and will post link as a proof)

    One argument:- Bakit hindi natatapos ang gyera sa Mindanao? Nababayaran kc ang ilang military officers ng AFP-

    Pag hinanapan ka naman ng proof- of course dadaan sa due process-
    e ang due process para sa mayayaman lang- tskk....

    My emphasis is to focus on our own philippine government, Nababayaran kc.
  3. Tropical Depression May 14, 2009 at 3:11 PM
    Matagal na nilang ginagawang negosyo ang gera sa Mindanao. Hangga't nagbubulag-bulagan at nagbibingi-bingihan ang taong bayan sa katotohanan na pinapaikot lang tayo, walang mababago sa sistemang bulok ng Pilipinas.
  4. DuNi @ May 14, 2009 at 3:23 PM
    tama! militar din kasi ang nagsu-supply ng armas sa kalaban nla...
  5. linsi linsi May 14, 2009 at 3:26 PM
    Magandang topic to, eto na naman ako haaayz! bakit marami sa Pinoy ang nababayaran? (sarili munang bakuran)
  6. Jhuly P. May 14, 2009 at 5:47 PM
    Scam of the Month?

    Akala ko every week sila nagpapalit ng SCAM?

    Hahahaha
  7. DuNi @ May 14, 2009 at 8:31 PM
    every week sila bumubuo ng scam pero every month sila nabubuko...
  8. Juan Calapati May 15, 2009 at 3:01 PM
    tsk tsk tsk kawawa naman si gadian...
    pinagkaisahan na yata ng mga heneral...

Something to say?