Ang Summer at ang Bisikleta
Noong bata pa ako, tuwing sasapit ang huling linggo ng Mayo, lagi kong inaabangan ang isa sa aking Lolo tuwing pumapasyal siya sa amin. Dala ang mga t-shirt na regalo sa aming magpipinsan at mga kwento mula sa kanyang summer adventure, ang pagsama sa Marlboro Tour. Ipinagmamalaki niya sa amin ang kanyang pagiging beterano ng pinakamahirap na karera sa history ng Philippine sports. Kung tutuusin, ang mga contestants ng reality show na “Survivor: Philippines” ay nagmimistulang “pampered” kung ikukumpara sa mga pinagdadaanan ng mga siklistang kasali sa Tour ng Pilipinas.
19 days, 18 laps, kasama ang pinakamahirap sa lahat, ang Baguio-to-Baguio road race, isang lap magmumula sa Baguio, bababa ng Marcos Hiway, a-akyat ulit ng Baguio na dadaan sa Naguilian, baba ulit ng Marcos, sabay akyat ng Kennon Road papunta sa finish line sa Baguio na gamit lang ang bike!
Minsan naabutan ko pa ang lolo ko at ang mga kasama niya na naghahanda mag-bisikleta simula sa Mandaluyong hanggang sa kanilang baryo sa Dagupan. Syempre dahil bata pa ako nun, dun ako isinakay sa tren papuntang Pangasinan ngunit pinapangarap ko noong araw na yun na i-angkas ako ng lolo ko, kung pwede lang. Sa mga kwento rin ng lolo ko minsan nangarap din akong sumali sa karerang yun, kahit alam kong hindi uubra, dahil nasubukan ko ang magbike ng simula Mandaluyong hanggang Biñan. Isang beses lang namin ginawa yun at hindi ko na inulit. Isang beses lang yun hirap na ako, eh papano pa kaya yung 18 araw na sunud-sunod at karera pa, ibig sabihin wala kayong oras para tumigil at magpahinga.
Inaabangan noong mga panahong yun ang Marlboro Tour. Walang sinabi ang mga PR ng mga kagaguhan ni Pacquiao off-the-ring. Ang resulta ng karera ang una mong makikita sa mga dyaryo. Ang mga pawisan at sunog na mukha ng mga siklista ang front page sa bawat pahayagan na naka display sa bilihan.
At dumating ang SIN Tax at anti-tobacco sponsorship. Pinatawan ng mas mataas na buwis ang mga kumpanya ng alak, sigarilyo at iba pang mga produkto na naka-categorize sa bisyo. Hindi pa nakuntento ang mga mambabatas at gumaya sa European Union. Ipinagbawal ang pag i-sponsor ng mga tobacco companies sa anumang events dahil magbibigay daw ito ng negatibong impluwensiya sa kultura.
Wala nang Marlboro Tour ngayon pero marami pa rin ang naninigarilyo lalo na sa kabataan. Nag pull-out ang Marlboro na major sponsor ng karera, at ngayon, maraming nagpumilipit mag sponsor ng pinakasikat na karera sa Pilipinas noon ngunit hindi pa rin nila mapantanayan ang Golden Age ng Philippine Cycling. Wala rin namang kwenta ang SIN Tax at anti-tobacco sponsorhip sa pagpigil ng mga tobacco smokers dahil mas marami ngayong menor de edad ang nalulong sa bisyo ng paninigarilyo dahil sa pagsunod sa status quo. At ang estado ng Philippine Cycling ngayon? Katulad din ng estado ng lahat ng sports discipline natin – kulang sa ensayo dahil kulang sa pondo dahil walang sponsor dahil namumulitika ang mga sports leaders.
Pero malakas pa rin tayong mangarap na makakuha ng karangalan sa international competitions, samantalang hindi natin mabigyan ang kahit simple at matinong sports events ang ating bansa. Nalulong na kasi ang karamihan sa pagpusta sa laban ng isang boksingerong uto-uto.
At ang lolo kong beterano ng Tour? Nananahimik sa kanyang bahay habang tinitignan ang kanyang bike na pang-display na lamang, naghihintay pa rin sa kanyang mga apo na marinig ang kwento tungkol sa isa sa pinaka-makasaysayang summer ng buhay niya.
same lang din ba yun ng kinukwento mo?
hindi ako pwedeng magbike hayst :(
Tour of Luzon, Tour ng Pilipinas, Marlboro Tour - iisa lang yun dati
dun ka mag aral sa walang malaking kanal para mas safe... :D
takot akong magkasugat eh ...
aangkas nlng ako hehe
ako nakadalawang semplang bago natuto! hehe
meron dun 4 ang gulong hindi ka sesemplang hehe...
hayaan mo makakarating din ako hehehe... kelan ang fiesta?
all souls day yun eh.. pinakita nila sakin yung puntod ni Mamerto Eden Sr.
uncle sya ni mama.. bale kapatid ni lolo...
isa DAW sa sumali sa tour of luzon..
bale sya daw ang nag represent ng Mapandan, Pangasinan.
taga dun kasi sila mama.
marami kasing taga Pangasinan na nag champion dun...
kinatatakutan nga noon ang Pangasinan team...
noon kasi Tour of Luzon lang... tapos minsan ginawang Tour ng Pilipinas... tapos nung gumulo ulit sa Mindanao sa Luzon na lang ulit...
ewan ko..
hanggang ngyon di n ako ngbibike
ako noon nakakarating pa ako ng Greenhills nagba bike lang...
taga Mapandan pala mama mo... malapit sa Manaoag...
ang lola ko ay taga Lingayen, at ang lolo ko ay taga Dagupan...
sa tatay side... uso talaga dun ang bike... nakakarating ako sa bayan ng Dagupan noon kapag itinatakas ko ang bike hahaha...
yeah, wala na nga yung Marlboro Tour, dati sa Tempo (yun dyaryo ng tatay ko nun) may update ng standing eh, nadaan pa nga sila sa Tugue nun eh :)
OK gets natin ang point nila na para ilayo sa tukso mga kabataan. eh ang tanong may nagawa ba?wala naman. ngayon nga, elementary pa lang naninigarilyo na. buti sana kung may napapala tayo sa SIN tax, eh sa bulsa ng mga kurakot lang napupunta,tulad nyan election na naman,ilang milyong sin tax ang malulustay nyan panigurado.
isang Tour of Luzon tsaka isang Padyak Pinoy...
ewan ko ang gulo eh...
meron nga ngayon, nag start siya kahapon lunes...
tapos meron sa balita na May 8 to 15...
mukhang hati na naman ang sports natin...
sikat ngayon? yung Ryan Tanguilig...
naging champion yun noong 2004...
ang alam ko 21 years old pa lang yata nung mag champion...
tapos nag-abroad siya... IT siya ngayon sa Dubai...
pero umuwi this year para sumali lang sa karera...
duni ba't di mo gayahin ang lolo mo?! hehehehe
oo dalaw kayo minsan , nakikita ko meron pa ung Milo olympics chuva sports na yan dito ung bike ung marathon boxing pa yata tapos un ung motocross... :)
Btw, nasa pampanga ka ba ngyon?
alam ko marunong akong magbike eh, di ko lang alam kung hanggang ngayun marunong pa rin, hehehe
hindi ko kaya eh... sinubukan namin Mandaluyong-Biñan... mountain bike...
kakayanin kung strolling... kung karera baka kapusin...
nakita ko yung hita ni Carlo Guieb (2 times Marlboro Tour Champion) ga-troso ang laki... ang sabi samin nagpapraktis daw siya magba-bike simula Nueva Vizcaya paakyat ng Banaue... kung kakayanin ko yun sasali sana ako... tsaka inaawitan ko yung bike ng lolo ko ayaw ibigay sakin eh hehe...
ang alam ko dadaan dyan kasi aabot ng vigan...
yup nasa pampanga ako... :D
gusto ko magkaron ng bike :(
magaling ako mag bike nung bata nag pi freehands ako
tapos tumatayo ako sa bisikleta.
sarap TADYAKan. ginagamit ang TV para maagang makapangampanya.
tapos ang ABS-CBN COPYMILYA..nagpapagamit naman
syepre pag naging 1st lady si KORINA ..pabor sa kanila.
goodluck Mar "TADYAK" Roxas. sana magaya ka kay Ralph Recto
feeling mananalo pero talo.
dont worry sisiraan kita pag malapit na ang eleksyon..
teka ano ba topic?
hindi na kayang iligtas ng isang tao ang pilipinas...
"low"