If I were a Congressman...

Category: By DuNi

some of my proposals if ever I get elected into Congress:

House Bill 6969 - An Act transfering the Congressional Sessions from Batasang Pambansa to MGM Grand in Las Vegas... dun kasi lagi may quorum, at hindi nale late ang mga congressman


House Resolution 0069 - A Resolution commending Judy Ann Santos and Ryan Agoncillo for their humbling and modest decision to keep their wedding PRIVATE and SOLEMN... sa wakas walang nakakaumay at sobrang arteng preparations na napanood sa TV na pinag aagawan ng mga networks tapos sa bandang huli eh mauuwi din naman pala sa hiwalayan


House Bill 2.25(patterned after my highest grade in Mapua) - An Act dissolving all the Universities, downgrading them into specialized schools, and creating 2 year courses(i.e. 2 years lang Arki ka na... ENROL NA!)... lahat kasi gusto nila 2 years lang makapag abroad na, konti na lang kumukuha ng Architecture, Engineering, Medicine at Law dahil uugod-ugod ka na bago ka grumadweyt at hindi ka naman kikita ng malaki agad...


House Bill 00069 - An Act prohibiting politicians or anybody who ran on any local or national elections from JOINING any Sports Agencies... ang presidente ba ng BAP-SBP eh marunong magbasketbol? isa pa, hindi po dapat ginagawang kwalipikasyon ang pagiging mukhang kabayo para lang pwedeng tumakbo bilang head ng equestrian association or horse racing commision


eto lang muna wala pa akong maisip na iba... but my constituents' suggestions are welcome! at kayo yun!

kaya wag ninyo akong kakalimutan sa 2010!!!

----------- o0o ----------

Updates:


House Bill 1,000,000 - An Act prohibiting the alumni of Pinoy Dream Academy, Pinoy Idol, and all those talent search contest to record SHITTY revivals of Eraserheads songs, Air Supply songs and all those certified classic hits unless he/she is a member of a rock band or unless they have a different song interpretation(i.e. ken leeee, tulibu dibu douchuuuu)


House Bill 200,000(patterned after “sec, may 200 ka rito”) - An Act granting incentives and privileges to those who BRIBED state witnesses and can daringly file PERJURY RAPS to the person he bribed, hold press conference with the family, and can convincingly call you "TOL" even if you are not related by blood...


House Bill 750cc - An Act providing sets of discount from traffic penalties to ALL motorcycles that has PNP stickers.  The set of discounts will be dependent on your motorcycle model(i.e. the more expensive, the higher the discount)... ano ka swerte??? Kung may pambili ka ng 400cc na motor, eh di may pambayad ka ng penalty… ipagbabawal na rin ang hindi pagsita sa lahat ng motor na may PNP stickers


House Bill 00000.5 - An Act reverting the Ninoy Aquino International Airport back into its grand old name Manila International Airport, thereby also setting the proper guidelines for naming an airport.  This bill will primarily oblige the naming of an airport from its location so as not to confuse tourists from their geographical knowledge of our beloved country(i.e. Laoag International Airport, Cebu International Airport)… ANG NINOY AQUINO AY HINDI ISANG LUGAR SA PARANAQUE!!!

----------- o0o ----------

House Bill 12Rounds - An Act appointing Manny Pacquiao as Chief of the Philippine National Police, and thereby granting sensitive top logistical positions to other successful professional boxers into the PNP leadership for their track record of preventing an increase in the daily crime rate within the country every Sunday morning


House Bill 300Million -  An Act designating the Ambassadors of Iraq, Afghanistan and other war-affected countries to ex-military Generals for the very simple reason that Military(and Business) expertise are needed in war-torn countries rather than in the U.N., Vatican or other peaceful countries that has adequate amenities and privileges like Duty Free Shops, Disneylands, Casinos, Exclusive Resorts, Bruneiyukis, Legal Prostitutes(i.e. Netherlands), etc.

Talisay and the Volcano Ridge

Category: By DuNi
I am packed. I am bringing my biggest bag and I have put lots of stuffs even though I would only stay overnight in Talisay, Batangas. I have planned to visit - again - this former sleepy town with a closer view of the famous Taal Volcano, where my grandparents and majority of relatives reside. Although I grew up in the city, I still reminisce my childhood summers spent near the lake with my cousins.

Travel time to Talisay took almost 4 hours coming from Pampanga. The bus ride from Dau Terminal to Cubao, where most bus terminals going to Batangas are located, was a little bit quick since the North Luzon Expressway was renovated and widened at the Bulacan part where most traffic congestions occur because of its proximity to Manila. It only took an hour bus ride, getting off almost exactly in front of the bus terminal going to Batangas. Luckily I caught the bus going to Batangas Pier that passes to Tanauan City just as it leaves the terminal for another long journey south of Manila.

Ang Summer at ang Bisikleta

Category: By DuNi

Noong bata pa ako, tuwing sasapit ang huling linggo ng Mayo, lagi kong inaabangan ang isa sa aking Lolo tuwing pumapasyal siya sa amin.  Dala ang mga t-shirt na regalo sa aming magpipinsan at mga kwento mula sa kanyang summer adventure, ang pagsama sa Marlboro Tour.  Ipinagmamalaki niya sa amin ang kanyang pagiging beterano ng pinakamahirap na karera sa history ng Philippine sports.  Kung tutuusin, ang mga contestants ng reality show na “Survivor: Philippines” ay nagmimistulang “pampered” kung ikukumpara sa mga pinagdadaanan ng mga siklistang kasali sa Tour ng Pilipinas. 


19 days, 18 laps, kasama ang pinakamahirap sa lahat, ang Baguio-to-Baguio road race, isang lap magmumula sa Baguio, bababa ng Marcos Hiway, a-akyat ulit ng Baguio na dadaan sa Naguilian, baba ulit ng Marcos, sabay akyat ng Kennon Road papunta sa finish line sa Baguio na gamit lang ang bike!


Minsan naabutan ko pa ang lolo ko at ang mga kasama niya na naghahanda mag-bisikleta simula sa Mandaluyong hanggang sa kanilang baryo sa Dagupan.  Syempre dahil bata pa ako nun, dun ako isinakay sa tren papuntang Pangasinan ngunit pinapangarap ko noong araw na yun na i-angkas ako ng lolo ko, kung pwede lang.  Sa mga kwento rin ng lolo ko minsan nangarap din akong sumali sa karerang yun, kahit alam kong hindi uubra, dahil nasubukan ko ang magbike ng simula Mandaluyong hanggang BiƱan.  Isang beses lang namin ginawa yun at hindi ko na inulit.  Isang beses lang yun hirap na ako, eh papano pa kaya yung 18 araw na sunud-sunod at karera pa, ibig sabihin wala kayong oras para tumigil at magpahinga.


Inaabangan noong mga panahong yun ang Marlboro Tour.  Walang sinabi ang mga PR ng mga kagaguhan ni Pacquiao off-the-ring.  Ang resulta ng karera ang una mong makikita sa mga dyaryo.  Ang mga pawisan at sunog na mukha ng mga siklista ang front page sa bawat pahayagan na naka display sa bilihan.


At dumating ang SIN Tax at anti-tobacco sponsorship.  Pinatawan ng mas mataas na buwis ang mga kumpanya ng alak, sigarilyo at iba pang mga produkto na naka-categorize sa bisyo.  Hindi pa nakuntento ang mga mambabatas at gumaya sa European Union.  Ipinagbawal ang pag i-sponsor ng mga tobacco companies sa anumang events dahil magbibigay daw ito ng negatibong impluwensiya sa kultura.


Wala nang Marlboro Tour ngayon pero marami pa rin ang naninigarilyo lalo na sa kabataan.  Nag pull-out ang Marlboro na major sponsor ng karera, at ngayon, maraming nagpumilipit mag sponsor ng pinakasikat na karera sa Pilipinas noon ngunit hindi pa rin nila mapantanayan ang Golden Age ng Philippine Cycling.  Wala rin namang kwenta ang SIN Tax at anti-tobacco sponsorhip sa pagpigil ng mga tobacco smokers dahil mas marami ngayong menor de edad ang nalulong sa bisyo ng paninigarilyo dahil sa pagsunod sa status quo.  At ang estado ng Philippine Cycling ngayon?  Katulad din ng estado ng lahat ng sports discipline natin – kulang sa ensayo dahil kulang sa pondo dahil walang sponsor dahil namumulitika ang mga sports leaders. 


Pero malakas pa rin tayong mangarap na makakuha ng karangalan sa international competitions, samantalang hindi natin mabigyan ang kahit simple at matinong sports events ang ating bansa.  Nalulong na kasi ang karamihan sa pagpusta sa laban ng isang boksingerong uto-uto.


At ang lolo kong beterano ng Tour?  Nananahimik sa kanyang bahay habang tinitignan ang kanyang bike na pang-display na lamang, naghihintay pa rin sa kanyang mga apo na marinig ang kwento tungkol sa isa sa pinaka-makasaysayang summer ng buhay niya. 

Binabati ko kayo sa kamatayan ni Hesus...

Category: By DuNi

Habang nagkaroon ako ng pagkakataon na gumala at magmasid sa kalsada, nakita ko ang mga bagong tarpolin na nakasabit sa mga kable ng kuryente at poste.  Akala ko congratulatory banner para sa mga bagong graduates, hanggang sa mapansin kong may anyo ng krus at kalbaryo sa background. Para pala sa pag-gunita ng Semana Santa, galing kay magiting na konsehal.


Pag-uwi ko naman narinig ang nagpapalahaw na ingay ng malakas na ispiker galing sa kapilya na naghahanda para sa pabasa.  Habang inaayos at nililinis ang kapilya, nakalagay sa isang lokal na istasyon ng radyo, at sunud-sunod ang mga naririnig kong mga pagbati galing sa mga lokal na opisyales dito sa lugar na tinitirhan ko sa kasalukuyan.


Nag-isip ako tuloy.  Papano mo babatiin ang isang tao para lamang gunitain ang sakripisyo ng anak ng Diyos upang tayo'y maligtas sa mga kasalanan natin?


Binabati ko kayo sa pagkamatay ni Hesus...