Malapit na naman ang Mahal na Araw
Malapit na naman ang mahal na araw. Malapit na naman ako makakita ng nagpipinitensya. Katangi-tangi ang pagdiriwang ng mahal na araw dito sa Pampanga. Sikat doon sa may San Fernando yung nagpapapako sa krus. Halos gayahin ang mga pangyayari kay Hesus, kulang na lang mamatay din sila at mabuhay pagkatapos ng ikatlong araw.
Abala rin ang buong lalawigan sa pagpapaganda ng kani-kanilang kapilya o lugar na pagdadausan ng pabasa, na isang pagsasalaysay ng buhay ni Kristo. Hindi mawawala ang pabasa, ang pagkukwento ng pasyon sa pamamagitan ng pagkanta. Parang magulo noh? Bakit pabasa ang tawag kung ito ay kinakanta? Hindi ba mas mainam na tawagin itong pakanta? O kaya ay patula?
Balik tayo sa penitensya. Dahil kakaiba ang naging kaugalian ng mga Pilipino tuwing mahal na araw, dito makakakita ka araw-araw sa isang buong linggo simula lunes santo, ng mga nagpi pinitensya na naka taklob ang kanilang mukha, hubad na pang-itaas habang hinahagupit nila ang kanilang katawan kagaya ng pagpapahirap ng mga Romano kay Kristo. Meron ding may pasan na krus, merong mga grupo naman sila, at kadalasan may mga kasamang umaalalay kung sakaling may hindi inaasahang mangyari.
Sa loob ng isang linggo sa isang taon ito ay nakikita sa halos lahat ng kalsada sa Pilipinas. Sa loob ng isang linggo sa isang taon maraming namamanata at nagpipinitensya. At sa loob ng isang linggo sa isang taon nagpapaka-kristiyano ang mga Pilipino. Pero pagkatapos ng isang linggo, balik na naman sa dating gawi. Sugal, alak, babae at kung anu-ano pang bisyo. Kurakot sa posisyon, panloloko sa ibang kapwa, at kung anu-anong kasalanan na inihihingi ng kapatawaran tuwing mahal na araw. Isang linggong debotong Kristiyano laban sa halos isang taon na puno ng kabalbalan na gawain. Hindi ko alam kung sinu-sino sa mga nagpipinitensya ang totohanan, wala rin akong karapatang maghusga. Pero sana lang wag tayong magpakitang tao lamang. Hindi nagpapako sa krus si Hesus para lang magpakumbaba tayo sa Diyos ng isang linggo lang.
Hindi tayo nabuhay para maligtas ni Hesus sa mundo. Naligtas tayo para mamuhay sa piling niya!
Malapit na naman ang mahal na araw... malapit na naman ba ang tangi mo lang pagkakataon para magsisi sa mga kasalanan?
nabubuwisit din ako kasi malapit ang bahay namin sa pabasa, nakakatuwa andami lagi ng tao, kaya lang sa labas mismo ng kapilya may nagtitinda ng BEER... kasama ba sa tradisyon ang maglasing pag mahal na araw?
magearphones ka!!!!
pero sa chapel namin patawa ang pabasa
nakikitawa ako hehe pero remorseful din pakiwari ko nakakabastos kami haha
kasi pag youth ang nakaassign nuon ginagamitan namin ng mas masayang tono ang pabasa or di kaya mas cool na tono basta hehehe...
parang oktoberfest... yung magkabilang side ng kalsada puno ng nag iinuman...
tapos dun sa dulo ng kalsada yung pabasa... tapos andaming nagpupunta dun... yung iba de-kotse pa... tumira kami dun 6 years ago... punyeta may aswang...
as in mumu???? awwoooo?
waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa
Tama si Plorwaks mahirap rin naman husgahan kung sino ang totoo o pakitang tao lamang... Meron din ganon samin na madaming tao sa kalsada at maraming balikbayan at bakasyunista kaya fiesta rin ang mga lalake sa mga chicks na naglalakad... Mas importante kasi ung mahal na araw sa amin doon kesa pasko kaya mas marami ang mga umuuwi doon para sa mahal na araw ung iba nagsisilbing reunion narin sa pamilya or classmate nila yon kaya minsan di naiiwasa ng mga inuman... ok narin siguro ung ganun kesa nagpaparty @ the beach ka habang may hawak kang alak at kasayaw ang isang chicks.
natawa naman ako dito...
hindi ko lang alam kung ano ung aswang sa english hehehe...
asan na si badong... kanina lang andito a... hmmmm....
peace pare! asan ka na! nawala ka nanaman...
It is finished.
It is Dan este done pala...
till now ba meron pa eto ?
sa San Fernando nga may special pass pa tapos maraming foreign journalist minsan...
napanood nya sarili nya sa RIPLEYs Believe it or not.
di daw sya sinabihan na ilalagay dun yung interview sa kanya.
sa tingin ko okay lang sa kanya walang bayad.
kaya lang parang nag sinungaling yung nag interview.
Phelps, di ba may ganyan sa lugar nyo bago tayo nag punta sa Puerto Galera last year?
nasa laptop ko pa yung mga pictures dun
san ka nga pala sa HOLYWEEK?a
baka Zambales ako..may Sarap Mag Babad na naman dun sa IBA
sa Lindamar Resort.baka dun kami mag iinuman tapos sayawan
tapos parang wala kaming alam na mahal na araw pala.
ay ayaw pala ni Plorwaks ng ganyan.
sige di na ko sasama.manonood na lang ako ng debate sa TV
tungkol sa relihiyon.
Melody, DI mo ko ni invite nung binyag.
ang ayaw ko yung nagpapaka-banal pag mahal na araw tapos balik sa dating kagaguhan pagkatapos ng easter sunday...
kung ililibre mo ako sama ako badong... basta walang Sarap Mag Bading ha...
summer naman eh hindi naman siguro uulan...
yun ay kung pwede ako...
paki add tong friend ko sa facebook.
bago lang sya sa multiply.
http://jo19jo80.multiply.com/journal/item/1/Perstaym_Ko_po
sa bday na lang. dalin mo inaanak ko... dami ko na utang jan! :p