Marunong din naman magdasal ang demonyo...
Nakakatuwang isipin na ang buong mundo ay nakakatikim ng recession ngunit pilit pa rin ng pilit ang gobyerno ni Arroyo na kahit kailan ay hindi maghihirap ang Pilipinas. Oo nga naman. Sa isang banda, ano pa bang paghihirap pa ang mararamdaman ng milyong milyong mamamayang Filipino? Wala na nga silang makain eh. Hindi na nga tayo maghihirap pa... kasi mamamatay na tayo sa sobrang gutom!
Hindi nga naman tayo maaapektuhan. Magaling ang economic team ni Gloria. Nag-aral siya ng economics. Nag-aral din ng economics ang sekretarya ngayon ng NEDA. Ano nga ba ang economics at bakit kampante ang gobyerno sa pagsusulong nito?
Ang Economics ay isang pag-aaral sa produksyon, distribusyon, at ang pagbili ng pagkain, gamit, at serbisyo. Ngunit naisip ba nila na walang saysay ang ekonomiya kung ang mamamayan ay walang pambili? Kung ang mamamayan ay walang pagpipilian ng mga bilihin? At anong produksyon ang ipinagmamalaki nila? Karamihan ng mga produktong ibinebenta ay inangkat sa ibang bansa at ang mga sakahan at bukirin natin ay patuloy na ginagawang subdivision at mga malls. Pati mga magsasaka ay nagawa pa nilang lokohin at pangakuan ng libreng abono para sa masaganang ani, na yun pala ay masaganang ani sa eleksyon. Patuloy na niloloko ang mamamayan sa mga pekeng datos ng pag-unlad ng ekonomiya.
RAMDAM NATIN ANG KAUNLARAN! Tila yata applicable lang yan kung ikaw ay miyembro ng gabinete ni Gloria. Habang ang karamihan ng Filipino ay naghihirap, nagpapasasa ang gobyerno sa kabi-kabilang foreign investments at infrastracture projects na lahat ng initial downpayment ay naibulsa na.
Malakas ang loob ni Ginang Arroyo na hindi pansinin ang nag-ngangalit na sigaw ng pagkondena ng nakararami sa mga katiwalian at kalokohan na ginagawa ng kanyang gobyerno simula't sapul pa noong 2001.
Mahirap talagang makonsensya ang ganid at sakim. Wala itong pakiramdam. Sarili lang niya ang kanyang iniisip. Ano pang aasahan mo mga ganyang klase ng tao? Sagad hanggang buto ang pagkamanhid ng mga taong ganyan na kahit siguro sa ikahuling hininga ng mga ito eh kasakiman pa rin ang maiisip.
Nakuha pa nitong gawing biro pati ang pagdarasal.
Nakakatakot isipin na nagagawa ng gobyernong Arroyo na ang kawalang-galang na pagkutya sa banal na pakikipag-usap sa poong Maylikha sa harap ng mga Filipino. Wala na yatang natitirang katinuan at kabaitan ang mga taong ito at pati ang sagradong gawain ay nakukuha pa nilang babuyin ayon sa kanilang pansariling interes.
Kunsabagay, alam naman natin na marunong din magdasal ang demonyo...
baka natutulog ka pa kabayan....
Kung sana ang produksyon ay ayon lamang sa kailangan ay siguradong SAPAT ang yaman ng lupa para pakainin ang lahat ng mamamayan ng isang bansa...
Sabi nga ni Plorwaks dito sa atin imbis na tulungan ang agrikultura upang makatugon sa "lumalaking" populasyon natin ay nakukuha pang lokohin at pagkakitaan ng mga mandarambong na politiko at negosyante...
Link ko ito plorwaks...
Ang mahirap kasi sa ating mga taga-Manila ang alam lang nating MAHIRAP ay yuong mga nasa squaters...
At hindi naman ata lahat ng nasa squatters TAMAD... stereotyping iyan... dahil marami ring mga nakatira sa mga palasyo sa mga exclusive subdivision ang hindi nga tapos ng pag-aaral at walang trabaho at tambay sa mga mamahaling bar sa gabi...
Mas madali pa rin talagang sisihin ang mahihirap kahit ang issue ay nakawan sa kaban ng bayan...
Welcome nga pala sa discussion...
sino ngayon ang dapat sisihin? ANG TAO? eh sino ba ang namamahala na dapat nag aasikaso ng mamamayan KAHIT SAANG PARTE NG PILIPINAS? bakit laging katwiran ng mga tao na nasa lungsod ang pag-asa?
dahil sinabi ng GOBYERNO...
dont fix the blame, instead, fix the problem...
hindi pa ba malinaw ngayon na GOBYERNO ang PROBLEMA???
na pati ang isyu ng pananampalataya ginawa nilang katawa-tawa???
(baka may magalit...opinyon ko lang naman poh...)
Pero yun nga, gaya ng sabi ni mr. plorwaks na issue dito, hindi nga naman makatarungan yun... pati something sacred tulad ng pagdarasal, binabalahura lang... ginagawang joke... Dapat umakto ng tama si Gloria, di ba? Presidente siya! hindi naman siya isa sa mga comedian sa punchline laughline, o kung saan mang comedy spot. Kaya dapat maging pormal naman siya...
walang disiplina ang Pilipino... dahil walang disiplina ang Gobyerno...
ginagaya natin kung ano ang ginagawa ng gobyerno...
katulad ng paggaya natin kung ano ang ginagawa ng magulang natin...
so, babalik na naman tayo kung nasaan ang problema... nasa GOBYERNO :D
Saka mr. plorwaks, pasensya na pero medyo disagree lang ako ng konti dun sa paglink na ginagaya naten ang ating magulang...so ganun din ang kaso sa gobyerno...(para po kasing stereotype na rin yun) kasi 'may ilang mga bagay' na ginagawa ang aking magulang pero hindi ko ginagawa dahil sa paniniwala kong mali ito... At ayokong gawin yun sa mga anak ko if ever dumating yung time na mag-kapamilya na nga ako. Kasi nagkaroon ako ng kaisipan na alam ko kung ano ang tama sa mali. (dyan pumapasok ang edukasyon)
may karapatan mamili ang mga tao kung ang pipiliin niyang landas ay kung susundin niya kung ano ang tama o kung ano yung mali para sa kanya...
(pero hindi ba't hindi naman lahat ng alam nating tama ay siyang tama at kung anong alam nating mali ay mali talaga? may mga mali din tayong ginagawa pero tama ang kinalalabasan... at may ginagawa rin tayong tama sa pagkakaalam naten pero pag nakita na ang result, mali pala yon... may mga bagay na kahit gaano man kaperpekto natin planuhin, may times na hindi rin masusunod...ganon siguro nangyayari kadalasan...kaya hindi rin natin masasabi...)
So babalik ako sa problema na hindi koh alam kung saan na... pero nasisiguro koh, hindi lang GOBYERNO yon... medyo sa MAMAMAYAN din...
at tama ka rin na medyo nasa MAMAMAYAN din ang kasalanan... dahil sa patuloy nilang PAGKUNSINTI sa mga maling gawain ng GOBYERNO...
kung walang magpapaloko, walang maloloko...
Pero sa kaso ng iba, "HINDI" nila alam na naloloko na pala sila. Bakit? e wala silang ideya e! Kasi, hindi nila alam ang karapatan nila!
"We only have rights, the government has the powers" (rights na lang pinanghahawakan naten kaya sana kahit dun manlang, alam naten ang rights naten... di ba? Kaya minsan, nagco-come up ako sa idea na kaya hindi masyadong sinusulong ng gobyerno ang edukasyon dahil pag nagkaroon ng kaalaman ang tao, hindi na nila sila maloloko)
Dapat talaga alam ng tao kung ano ang RIGHTS nila...
(*Share ko lang ha* Kaya nga natuwa ako sa nakita koh...Kung nag-e-lrt ka sa recto/santolan, nagkaroon na dun ng ilang posters ng mga article-articles tungkol sa mga rights ng tao...
*dapat dati pa ganun pinapakalat, hindi yung kababuyan ng pornograpiya at kung anu-ano pang non-sense*
Ewan koh lang kung binabasa ng mga nagdadaan yung posters na sinasabi ko na yun... pero nasa kanila na yun kung gusto nila malaman rights nila...kaya nga nasa pakialam din nila nakasalalay...)
Hmmm...
"Rebellion is justified if the government loses the interest of the people..."
- UN Declaration of Human Rights
at kung may interest man sila sa people, puro pam-personal...
(Toinxx...)
Ibang problema ang KATAMARAN ng tao... ibang problema ang kawalan ng DISIPLINA... maging masipag man tayo at maging disiplinado sa pagtawid ay hindi mahihinto ang PAGNANAKAW sa gobyerno... opinyon ko lang...
kasi si GLORIA marami ng PERA nakaw pa rin ng nakawl.
isa sa wishlist ko this christmas di para sa sarili ko
para sa lahat ng Pilipino.sana matuluyan na si Mike Arroyo
o kaya ma assasinate si GMA.sorry yan ang gusto ko eh.
masama akong tao.pero mas masama silang tao.
nice... straight to the point =))
musta yung lakad natin???
Asaan na si Shiel.. ano yung nakakatuwa?
mukhang masarap kang kasama sa kapihan...
unang-una pa yang sisigaw ng MABUHAY ANG PILIPINAS!
She has nothing to lose... in fact she never won anyway... in 2001 and 2004...
mabubuko tuloy ang original lover boy ni ano hahaha...
wala sa kalingkingan sina Nani Perez, Mike Defensor, at Arthur Yap... :))
kahit paano, matikas... lol...
wag naman sanang barilin.
kaya nung 1998 elections andami nyang pondo...
http://plorwaks.multiply.com/reviews/item/82
kuya duni, wala akong ibang sasabihin. alam mo na yun.
usapan lang natin yun... wag mong ipagkakalat...
wala pang feedback... baka ja peyks... :))