Marunong din naman magdasal ang demonyo...

Category: By DuNi

Nakakatuwang isipin na ang buong mundo ay nakakatikim ng recession ngunit pilit pa rin ng pilit ang gobyerno ni Arroyo na kahit kailan ay hindi maghihirap ang Pilipinas. Oo nga naman. Sa isang banda, ano pa bang paghihirap pa ang mararamdaman ng milyong milyong mamamayang Filipino? Wala na nga silang makain eh. Hindi na nga tayo maghihirap pa...
kasi mamamatay na tayo sa sobrang gutom!

Hindi nga naman tayo maaapektuhan. Magaling ang economic team ni Gloria. Nag-aral siya ng economics. Nag-aral din ng economics ang sekretarya ngayon ng NEDA.  Ano nga ba ang economics at bakit kampante ang gobyerno sa pagsusulong nito?


Ang Economics ay isang pag-aaral sa produksyon, distribusyon, at ang pagbili ng pagkain, gamit, at serbisyo. Ngunit naisip ba nila na walang saysay ang ekonomiya kung ang mamamayan ay walang pambili? Kung ang mamamayan ay walang pagpipilian ng mga bilihin? At anong produk
syon ang ipinagmamalaki nila? Karamihan ng mga produktong ibinebenta ay inangkat sa ibang bansa at ang mga sakahan at bukirin natin ay patuloy na ginagawang subdivision at mga malls. Pati mga magsasaka ay nagawa pa nilang lokohin at pangakuan ng libreng abono para sa masaganang ani, na yun pala ay masaganang ani sa eleksyon. Patuloy na niloloko ang mamamayan sa mga pekeng datos ng pag-unlad ng ekonomiya.

RAMDAM NATIN ANG KAUNLARAN! Tila yata applicable lang yan kung ikaw ay miyembro ng gabinete ni Gloria. Habang ang karami
han ng Filipino ay naghihirap, nagpapasasa ang gobyerno sa kabi-kabilang foreign investments at infrastracture projects na lahat ng initial downpayment ay naibulsa na.

Malakas ang loob ni Ginang Arroyo na hindi pansinin ang nag-ngangalit na sigaw ng pagkondena ng nakararami sa mga katiwalia
n at kalokohan na ginagawa ng kanyang gobyerno simula't sapul pa noong 2001.

Mahirap talagang makonsensya ang ganid at sakim. Wala itong pakiramdam. Sarili lang niya ang kanyang iniisip. Ano pang aasahan mo mga ganyang klase ng tao? Sagad hanggang buto ang pagkamanhid ng mga taong ganyan na kahit siguro sa ikahuling hininga ng mga ito eh kasakiman pa rin ang maiisip.


Nakuha pa nitong gawing biro pati ang pagdarasal.

Nakakatakot isipin na nagagawa ng gobyernong Arroyo na ang kawalang-galang na pagkutya sa banal na pakikipag-usap sa p
oong Maylikha sa harap ng mga Filipino. Wala na yatang natitirang katinuan at kabaitan ang mga taong ito at pati ang sagradong gawain ay nakukuha pa nilang babuyin ayon sa kanilang pansariling interes.

Kunsabagay, alam naman natin na marunong din magdasal ang demonyo...